^

PSN Showbiz

Gerald, iba ang atake sa paghihiganti

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald, iba ang atake sa paghihiganti
Gerld Anderson.
STAR/ File

Ilang eksena pa lang ang napanood kahapon sa Sins of the Father pero alam mo nang pag-uusapan ang bawat eksena nito.

Sesentro sa buhay ng mga naging biktima ng iba’t ibang scam ang kuwento ng teleseryeng pinangungunahan ni Gerald Anderson bilang si Samuel na guguho ang mundo dahil sa isang scam kung saan kasangkot ang kanyang ama, na gina-gampanan ni John Arcilla.

Mapapanood ito simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC simula Hunyo 23 (Lunes).

Bago ang atake, hindi revenge plot kundi pagharap sa hindi magandang pangyayari na kanilang ginawa base sa unang episode nito kahapon sa ginanap na red carpet premiere.

Networking ang tinatalakay at star-studded powerhouse cast.

At comeback teleserye pa nina Gerald and Jessy Mendiola na anim na taon din palang napahinga sa paggawa ng series.

Kaya naman excited din ang fans sa teleserye comeback ng aktor.

Samantala, libu-libong Kapamilya mula sa Cavite ang nakisaya sa Bida Kapamilya event ng ABS-CBN na naghatid ng pasasalamat at pagdiriwang kasama ang cast ng pinakabagong teleserye.

Naganap ang nasabing selebrasyon noong Linggo (Hunyo 8) tampok ang mga libreng serbisyo at iba pang sorpresa para sa mga Caviteño sa General Trias City Hall. Sinundan ito ng motorcade na umikot sa iba’t ibang barangay sa General Trias kasama ang Sins of the Father stars.

Tuluy-tuloy ang saya sa entablado sa Robinson’s Place General Trias kasama pa rin ang Sins of the Father stars kabilang si Seth Fedelin na talaga namang inabangan at hiniyawan ng mga manonood.

Hinarana rin ng TNT All-Star Grand Resbak champion na si Marko Rudio ang Kapamilya fans sa pamamagitan ng upcoming single niyang Pag-asa Kada Bukas, na magsisilbing official soundtrack ng teleserye.

Naghandog din ng kani-kanilang song numbers ang ASAP Singing Champs na sina Khimo Gumatay at Reiven Umali.

Nagpaindak naman ang rising P-pop boy band na 1621 sa pag-awit nila ng Maria at ng patok nilang kanta na Bababa na sinabayan pa ng energetic crowd dahil sa viral dance moves nito.

Mapapanood na ang Sins of the Father simula Hunyo 23 (Lunes).

GERALD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with