^

PSN Showbiz

Catriona, sinagot ang loveteam nila ni Mayor Vico!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Catriona, sinagot ang loveteam nila ni Mayor Vico!
Catriona Gray.
STAR/ File

Ang bongga na sinagot na ni Catriona Gray ang tanong tungkol sa pag-follow nila ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isa’t isa.

Nagulat din daw siya sa pag-ship sa kanila dahil lang sa pag-follow ng pulitiko sa kanya.

Hindi raw niya inasahan na may magbibigay ng kahulugan doon at makikita talaga ang pag-follow nila.

Paliwanag nga niya ay mutuals lang sila at wala naman daw pag-send ng direct message sa isa’t isa.

Pero syempre ang mga umaasa na may something sila ay hindi nakuntento sa sinabi ng ex-beauty queen dahil pakiramdam daw nila ay parang kinikilig ito habang sinasabi na ‘mutuals’ lang sila.

Sayang daw kasi dahil pwedeng-pwede raw talaga ang dalawa na tinawag pa sila ng shippers nila ng “ViCat.”

Ang ganda kasi talaga ng kombinasyon nila na beauty and brain na bagay sa anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.

Ang bongga na invested talaga ang marami sa kanila ha.

‘Kaloka.

Mga kabataan, nag-iingat na rin sa paggastos

Talagang sa ganitong panahon ang schooling ang mas mahalaga lalo na sa mga teenager. Talagang doble excitement dahil iyan ang edad na talagang focused ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Ito ang panahon na talagang excited ang lahat dahil nasa isip nila na ang graduation at pagtatapos nila sa school. Dito mo talaga makikita ang mga student na talagang gulung-gulo sa kanilang mga ginagawa.

Kaya naman dapat lang na maging mas lalong maingat sa paggasta n dapat lang talaga.

Konting pera na masayang malaking bagay na iyon para sa isang tao. Kaya naman kahit saan makikita at maririnig mo ang pagtitipid sa paggasta. At mabuti naman dahil nga mukhang lahat ay nakikipag-cooperate.

Tanggap na nila na kailangan ang adjustment, at huwag maging matigas sa mga pakiusap para maging maayos lahat ng mga nangyayari. So now, parang mas madali ang mga trabaho at maayos ang takbo ng lahat.

Kaya talagang kailangan hands-on na tayo dahil hindi na puwede ngayon ang basta iasa mo na lang ang mga dapat mong gawin. Dapat ngayon nandun ka para i-check lahat ng nagaganap. Mas bongga at mas reliable ‘di bah!

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with