^

PSN Showbiz

Enchong, may paramdam sa ‘independence’ post kay Erich?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang ibig sabihin ni Enchong Dee sa ipinost niya sa kanyang Facebook account noong Huwebes, na ipinagdiwang natin ang ating Araw ng Kalayaan?

Ipinost nito ang mga pictures nila ni Erich Gonzales, na ang caption ay “Happy independence day.”

As of yesterday ay halos 600k ang reaction nito, may mahigit 89k shares at halos 12k comments.

Naintriga ang netizens kung ano ang ibig niyang sabihin sa pagbating ‘yun sa dating ka-loveteam.

Matagal ding sinubaybayan ang EnRich loveteam, pero tuluyan nang tinalikuran ni Erich ang showbiz pagkatapos niyang magpakasal kay Mateo Lorenzo.

Pero ang sabi naman sa mga napapabalita, nanatiling magkaibigan pa rin ang dating magka-loveteam.

May alam kaya siya sa kasalukuyang kalagayan ni Erich?

Naiintriga kasi ang iba kung saan nga ba ito malaya ngayon.

Ang iba namang fans ay ‘di nagustuhan ang nakakaintrigang FB post na ‘yun ni Enchong. Tinagurian pa nilang “patron saint of relapse” si Enchong. Hindi pa raw kaya siya nakapag-move on sa tambalan o closeness nila?

Definitely, tahimik lang sa ganyang isyu si Erich, dahil nakikita namang nasa mabuti na siyang kalagayan. Sana nga!

Vice/Nadine, DongYan, papasok sa MMFF 2025!

Hihintayin pa palang matapos manumpa ang mga bagong halal na mayor, bago i-finalize ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Doon kasi pagdedesisyunan kung aling lungsod ang magho-host.

Kaya maaantala pa ang announcement ng apat na scripts na mapipiling pasok sa ngayong taong MMFF.

Noong May 26 ang deadline ng submission of scripts, at 23 ang nai-submit.

Ang dinig namin, dalawa raw ang isinabmit ng Star Cinema. Ang isa raw roon ay pagsasamahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.

Meron din daw para kina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Meron ding dalawa mula sa Regal, at meron pang ibang film production na ayaw pa munang ipasabi.

Nag-submit din ang Nathan Studios ni Sylvia Sanchez, itong I’m Perfect na sinimulan na nila ang shooting.

Meron din ang Cineko Productions na kung saan ay kinausap nila si Hilda Koronel na magbida sa isang family drama na project. May ini-request lang daw si Hilda na gusto niyang makasama. Aalamin pa natin ‘yan.

Inaasahang mas maganda ang isa-submit na mga material, at sana may mga pambata na wala tayong napanood noong nakaraang taon.

Maaaring next month na ang announcement ng apat na scripts na pasok sa MMFF 2025.

ENCHONG

ERICH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with