TAPE, may ibang utang pa raw sa airtime sa GMA

Ahh hindi pala tinanggap ng GMA Network ang halagang inaalok ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. para bayaran ang utang nito.
Ayon sa ulat ni Mel Tiangco sa 24 Oras nung isang gabi, dumalo raw ang dalawang partido sa isang mediation meeting alinsunod sa reklamong estafa na inihain ni GMA laban sa TAPE.
Humihingi ang GMA Network ng P37.9 milyon mula sa mga may-ari ng TAPE Inc. para sa airtime fees na hindi diumano naibigay ng TAPE Inc. sa GMA.
Gayunpaman, ang alok ng pag-areglo ng TAPE Inc. sa kasalukuyan ay hindi diumano sapat.
Ira-raffle ang kaso sa isa pang prosecutor na magsasagawa ng preliminary investigation sa nasabing kaso.
Pero totoo kayang bukod sa P37.9 million ay may ibang utang pa ang TAPE sa GMA 7?
- Latest