Regine, Angeline, Juan Karlos, at Gary V. naghahanap ng Idol Kid

Bibida ang boses ng Kiddie Hopefuls at magtatagisan ng galing sa kantahan sa pagsisimula ng pinakamalaking talent reality show na hahanap sa bagong iidolohin ng bansa sa kauna-unahang Idol Kids Philippines ngayong Hunyo 28 (Sabado).
Tampok sa kauna-unahang edisyon ng Idol Kids Philippines ang pagsasanib-puwersa ng naglalakihang bituin sa industriya ng musika sa Pilipinas na kinabibilangan nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer at songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Paniguradong mapupuno ng good vibes ang weekend ng manonood sa bagong duo hosts na sina Robi Domingo at Jolina Magdangal. Sasamahan din sila ng bagong IdolKada online hosts na sina Kapamilya actress at Idol Hopeful Shanaia Gomez at PBB Collab Edition celebrity ex-housemate Emilio Daez na makaka-bonding tuwing weekend ng netizens sa Idol Kids Philippines Spotlight.
Kilalanin ang bagong Kiddie Hopefuls, mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na magpapasiklab ng kanilang angking galing sa pag-awit kalakip ang samu’t saring kwento nila ng pangarap at inspirasyon sa mga manonood.
Maaring abangan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa Idol Kids Philippines simula sa Hunyo 28 (Sabado).
- Latest