^

PSN Showbiz

Misis ng olympian, naghihinanakit sa napakong allowance sa mister

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Misis ng olympian, naghihinanakit sa napakong allowance sa mister
Hergie Bacyadan

‘Kalungkot naman ang post ng misis ng isang Olympian natin na nakapag-uwi ang mister niyang si Hergie Bacyadan ng mga medalya pero delayed naman daw ang allowance nito.

Nakakuha raw ito ng limang gold, apat na silver at dalawang bronze na medalya para sa bansa natin sa iba’t ibang kumpetisyon pero pinaghihintay pa raw iyon sa kanyang allowance.

Isa raw Olympian, champion, simbolo ng national price pero hindi nababayaran nang tama.

Habang may mga tao raw na walang ginagawa, walang training, walang sakripisyo, walang flag sa dibdib pero mas nakakatanggap pa ng suporta kagaya ng mga miyembro ng 4Ps.

Hindi naman daw iyon pamamahiya sa mga nangangailangan pero tanong daw iyon na bakit ang mga atleta natin na nagbibigay ng dugo, pawis at luha para sa bansa natin parang napapabayaan habang ang mga walang pinaglalaban sa world stage ay parang nabibigyan ng importansiya.

Kaya ang sama ng loob nito na hanggang kelan daw ba magmamakaawa ang mga ito habang bitbit ang bigat ng flag natin.

Sey nito, “The Filipino that the Philippines failed. And if this is how we treat our Olympians, what hope is there for the rest?”

Marami naman sa mga follower nito ang sumang-ayon sa hinanakit ng misis ng Olympian.

Kaya kapuri-puri ang Ormoc City na may Superdome na dinarayo ng mga atleta para sa mga nagnanais magsanay ng fencing.

Ang laking bagay ng suporta nito sa mga atleta kung saan isa ang anak nina Mayor Lucy Torres at Cong. Richard Gomez na si Juliana sa mga kwalipikado sa Women’s Epee National Team at lalaban pa sa SEA Games sa Thailand.

Sana nga ay magawan ito ng paraan dahil hindi biro ang sakripisyo ng mga ito mabigyan lang ng karangalan ang bansa natin.

HERGIE BACYADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with