‘Grabe ang panghihina ‘pag 78 years old na’
Siguro talagang doble ingat na talaga ang dapat kong gawin sa katawan ko.
Talagang ramdam ko na ang pagiging 78 years old ko, at ang tangi ko na nga lang consolation ‘pag naalala ko na ‘yung mga kasabay ko, mas una nang umalis at actually sa batch namin ako na lang ang naiwan.
Sure ako na baka hindi na ako kilala ng bagong stars na mas kilala na ang bagong showbiz writers.
Eye opener sa akin itong huli kong pagkakasakit dahil talagang nahirapan ako at parang nagkaroon pa ng mental lapse.
Natakot nga ako dahil sobra ang pagiging forgetful ko. Saka talagang grabe ang mga panghihina na naramdaman ko. Halos hindi ako makatayo kung minsan.
Talagang bibigay ka physically ‘pag nasa edad ka na, at tanggap ko na ito. Pasalamat nga ako actually dahil at my age parang energetic pa rin ang kilos at salita ko.
Pero pagkatapos kong magkasakit nagkaroon ako ng realization na magdahan-dahan. Baka bigla sa daan ako abutin ng sumpong, bigla akong mahilo, at matumba.
So lucky na inabot ko pa ang edad na 78, na ganito pa rin ang energy ko at enthusiasm ko sa trabaho.
So lucky na nagpapaalam na ako sa mga alaga ko pero ang sarap pakinggan ng sinabi ni Bong Revilla na habang buhay ako hindi siya hahanap ng PR/manager.
I love showbiz. Showbiz people are my family. I will always treasure my beautiful memories all my life.
Sure ako aabutin ko pang maging presidente si Pasig City Mayor Vico Sotto na sure akong iboboto ko.
Pero handa na rin ako kung hanggang saan lang ang ibibigay sa akin ng langit.
Sana nga totoo na kaming stem cell ladies, Dra. Vicki Belo, Rubby Coyuito, Wilma Galvante, at Lorna Tolentino, talagang binigyan ng extension ng injection ni Dr. Muehler at Dr. Morato ng Germany.
- Latest