^

PSN Showbiz

Maine at Miles, may tampuhan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maine at Miles, may tampuhan
Maine Mendoza at Miles Ocampo

Ang galing talaga ng mga marites na pati ang pag-unfollow ni Maine Mendoza kay Miles Ocampo ay hindi nila napalampas.

May isyu raw ba sa dalawang Eat Bulaga hosts?

Pero naka-follow pa rin naman si Miles sa misis ni Quezon City Rep. Arjo Atayde.

Marami ang nagulat dahil kamakailan lang ay galing pa raw ang mga ito sa Thailand kasama pa si Allan K.

At sa isang segment daw ng Eat Bulaga ay kung noon daw ay magkasamang mag-host sina Miles at Maine ay pinalitan na raw ni Ryzza Mae Dizon si Miles bilang co-host doon.

Napaisip tuloy ang mga follower niya kung ano ang naging dahilan ng tampuhan nila, kung meron nga.

Bigla nga nilang naalala na close rin si Miles noon kay Kathryn Bernardo pero bigla na lamang diumano nag-iwasan ang dalawa, na parang ganoon din daw sa kanila ni Sharlene San Pedro na nakasama rin nila sa Goin’ Bulilit noon.

Na parang normal lang naman na ma-outgrow ang friendship nila na nangyayari naman talaga sa mga magkakaibigan noh.

At ikinonek din nila ang paglayas ni Miles sa Crown Artist Management ni Maja Salvador at tila nagkaroon din diumano ng silent war sa dalawa.

Mukhang totoong friend naman daw si Maine dahil hanggang ngayon ay friends pa rin naman daw ito sa mga dati niyang nakatrabaho.

Hindi raw nila maiwasang isipin na mukhang na kay Miles diumano ang problema.

Kaya siguradong babantayan ng mga ito kung i-a-unfollow rin ni Miles si Maine.

Talagang napagkonek-konek agad nila at may conclusion agad sila ha.

Baka naman maliit na tampuhan lang at baka magbati rin naman sila.

‘Kaloka.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with