Carlos at Chloe marami na namang pang-shopping

Bongga si Carlos Yulo na nanalo na naman ng bagong medalya sa gymnastic.
Nasungkit ni Carlos ang tatlong tanso at isang gintong medalya sa Asian Gymnastics Championships 2025 sa South Korea.
‘Yun daw pala ang kanyang first competition since the Olympics, 10 months ago.
At aminado siyang maraming pwedeng mangyari sa ganun katagal na pahinga.
Pero ipinagdasal daw talaga niya na makapasok sa kompetisyon na siya ay maging malusog, maging matatag, at malagpasan ito nang ligtas... “but, God gave me so much more than I ever wished for,” ayon sa kanyang Instagram post.
Nasungkit ni Carlos ang gintong medalya sa floor exercise at bronze medals sa all-around, vault, at parallel bars.
Bongga! Marami kayang magbigay ng reward sa pagkapanalo ni Carlos tulad nung nag-uwi siya ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics?
Sosyal si Carlos, ang dami na naman niyang datung kaya tiyak na makakapag shopping sila ng jowa niyang si Chloe San Jose na hindi ko naman talaga kilala, nababasa ko lang sila minsan dito sa Pilipino Star NGAYON.
Malaking bagay rin talaga na meron nakaalalay kay Carlos na hindi pa raw naayos ang relasyon sa pamilya.
Teka naalala ko lang, ano bang nangyari sa ibibigay sanang pera ni Chavit Singson kay Carlos noong manalo siya sa Paris Olympics, natuloy ba ‘yun?
Ang bargain kasi noon ni Manong Chavit ay magkabati muna sila ng kanyang pamilya bago niya ibigay ang datung.
Na hindi naman yata nangyari.
Eh kung sa akin na lang kaya ibigay ni Manong Chavit ang datung na ‘yun?
Hahahaha. Tutal naman malaki ang binayaran ko sa hospital.
‘Yun lang at babu na.
- Latest