^

PSN Showbiz

GMA at TAPE, pinag-aayos ng korte

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Muling magkakaroon ng mediation sa gitna ng GMA 7 at TAPE, Inc. kaugnay sa reklamong Estafa na isinampa ng GMA 7 laban sa TAPE, Inc. dahil sa hindi pag-remit sa network ng halos P38 million na advertising revenues.

Muli nilang pag-uusapan kung ano ang posibilidad na ma-settle ng TAPE, Inc. sa GMA 7.

Sabi naman ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, “I think TAPE naman is not denying that there’s collectibles to them in the corporation. Maybe the main contention is whether civil or criminal.”

‘Yun ang pinagdiinan ng taga-TAPE, na hindi ito criminal case, kundi civil.

Bahagi ng statement na ipinadala ni Atty. Garduque, “TAPE still believes that whatever amount is collectible from them by GMA is merely a civil liability and not a criminal liability for Estafa.

“Foremost, even assuming that the amounts were used by TAPE, Inc. for its operations instead of remitting it to GMA, this is a mere violation of the assignment agreement being executed between TAPE, Inc. and GMA, Inc. Therefore GMA can only file a civil case for breach of contract.

“Secondly, these amounts are corporate liability of TAPE, Inc. and not of its individual stockholders. Under the law corporation has separate and distinct personality with its stockholders. Thus, respondents members if BOD and officers of TAPE were surprised that a criminal case for Estafa was filed against them.”

Sabi pa ni Atty. Garduque, susundin naman daw nila ang bagong procedure ng Department of Justice na kailangan nilang dumaan sa mediation para maayos ito ng dalawang kampo.

May inalok daw ang TAPE kung paano nila ito mababayaran, na sana mapagkasunduan nila.

Sabi naman ng legal counsel ng GMA 7 na si Atty. Lynn Delfin, “We have been saying din naman that management is open to listen and to see what offer they have. And if it’s reasonable, we can decide on what to do about it.”

Magkakaroon muli ng mediation sa June 11 na gaganapin sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pero siyempre, hangad naman ng lahat na maayos na ito at hindi na lilitisin sa korte.

Sa takbo ng mga pangyayari, mabibigyan pa kaya ng chance ang TAPE, Inc. na magka-show sa GMA 7?

Bianca, ‘binitbit’ ang nanay sa PBB

Sandali lang nag-houseguest si Bianca Umali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab, pero nagmarka siya sa housemates, pati sa aming talagang sumusubaybay sa reality show na ito.

Touching ang kuwento ni Bianca kay Kuya na sobrang saya niyang na-experience niya ito dahil inalay niya ito sa kanyang namayapang ina.

Noong nabubuhay pa raw ang Mommy niya at nakaratay ito sa sakit, itong PBB raw talaga ang paboritong show na pinapanood niya.

Sa loob ng confession room ay ipinakita pa niya ang litrato nila ng mommy niya, na baon niyang pumasok sa bahay ni Kuya.

Ipinagpatuloy niya ang kuwento niyang limang taon pa lamang siya ay pumanaw na ang kanyang ina sa sakit na breast cancer.

Sa tatlong araw na pamamalagi ni Bianca, nagustuhan siya ng housemates. Malaki rin ang naitulong niya sa isang task na money roll para makaipon ng pera na pambili ng apat na ligtas sa eviction na housemates na sina Esnyr, Ralph, AZ at Shuvee.

Pati na rin sa iba pang nominadong housemates, dahil ang galing niyang magbalanse ng bola para ipasok sa bank na kung saan doon makakaipon ng pera.

Naging emotional ito nang magpaalam na siya nang niregaluhan siya ni Kuya ng nameplate ng mommy niyang si May. Ipinaramdam ni Bianca na bahagi niya ang kanyang namayapang ina sa loob ng Bahay ni Kuya.

Pero malaki raw ang leksyon sa aktres itong mga ginawa niyang task at pakikihalubilo sa housemates na napamahal na rin sa kanya.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with