Ogie at mister ni Michelle inihatid si Leila sa altar

Ikinasal na ang panganay na anak nina Ogie Alcasid at dating beauty queen Michelle Van Eimeren sa Australia kahapon.
Mag-asawa na nga sina Leila Alcasid at musician na si Mito Fabie, a.k.a. Curtismith.
Si Ogie ang nagpo-post ng ilang kaganapan sa nasabing kasalan sa Sydney, Australia, ang bansa ng ex-wife niya.
At ang saya dahil inihatid si Laila nina Ogie at stepdad niyang si Mark Morrow, mister ngayon ni Michelle.
“Fatherhood,” ang caption ni Ogie.
Wedding signage ang unang post ni Ogie “the big day.”
Makikita rin sa mga post ni Ogie si Regine Velasquez at anak nilang si Nate.
Unang nakumpirma ang relasyon nina Leila at Curtismith noong 2019.
- Latest