^

PSN Showbiz

Burial Act na sinulong ni Robin, nasampulan ang libing ni Freddie Aguilar

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Burial Act na sinulong ni Robin, nasampulan ang libing ni Freddie Aguilar
Robin Padilla

Ahh isinulong  pala ni Sen. Robin Padilla ang Republic Act. No. 12160 o Philippine Islamic Burial Act upang tiyakin ang agaran at marangal na paglilibing ng mga yumaong Muslim sa bansa.

Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Abril 2025.

Layunin nitong  igalang ang tradisyong Islam na nagtatakda na mailibing ang yumaong Muslim sa loob ng 24 oras mula sa oras ng kanyang pagpanaw.

Sa ilalim ng batas, pinapayagang mailibing agad ang labi ng isang Muslim kahit wala pang death certificate. Hindi rin maaaring hadlangan ang paglilibing dahil lamang sa hindi pa bayad ang ospital o punerarya, basta’t may promissory note mula sa pamilya.

At malaki ang ginampanan ng R.A.12160 sa pagpapalibing ng OPM icon na si Freddie Aguilar, na kilala rin bilang Abdul Farid matapos ang kanyang pagyakap sa Islam noong 2013.

Si Freddie Aguilar ay pumanaw noong Mayo 27, 2025, sa edad na 72. Agad siyang inilibing sa Manila Islamic Cemetery ayon sa ritwal ng Islam sa pangunguna ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office bilang paggalang sa kanyang pananampalataya.

Ang agarang paglilibing kay Freddie Aguilar alinsunod sa Philippine Islamic Burial Act ay patunay ng mabilis na pagtugon sa batas at pagpapatibay ng pangako ng pamahalaan na igalang ang pananam­palataya ng bawat Pilipino anumang relihiyon ang kanilang kinabibilangan.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with