Anne, iba ang kilig kay Song Hye-Kyo
May 26, 2025 | 12:00am

Anne Curtis, Bryan Boy at Song Hye-kyo.
STAR/ File
Ibang kilig naman tiyak ang nararamdaman ni Anne Curtis nang makasama sa isang frame ang Korean actress na si Song Hye-kyo.
Matagal-tagal nang super Korean drama faney si Anne at hindi niya rin inililihim ‘yun.
Na tiyak na mas nagpakilig sa kanya dahil fina-follow na rin nito si Anne sa kanyang Instagram account ni Song Hye-kyo.
Nakasama nila sa kumalat na photo ang Pinoy social media influencer na si Bryanboy at ang fashion designer na si Kim Jones.
Dating mag-asawa sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended