Gerald at Julia, hiwalay na raw!

Break na raw ba sina Julia Barretto at Gerald Anderson?
Napansin daw kasi ng mga marites na hindi magkasama sa mga ganap ang magkarelasyon.
Kagaya na lamang daw noong kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo ay wala ang actor.
Pati raw noong birthday ng mommy ni Julia na si Marjorie kamakailan ay absent din si Gerald na hindi gaya noon na laging present sa ganap ng mga Barretto.
At napansin din ng mga follower ni Julia ang pag-travel nito sa Morocco nang mag-isa at hindi kasama ang boyfriend.
Habang si Gerald naman ay ang latest post ay kasama ang nanay niya at ilang kaibigan sa isang nature trip.
Na para raw may pinagdaraanan.
Hindi na rin daw nagla-like ang actor sa post ni Julia.
At huling litrato pa na magkasama sila sa post ay noong birthday ni Julia.
Kaya nagkaroon na naman sila ng ispekulasyon na hiwalay na diumano ang dalawa.
Vocal kasi noon pa man si Julia na handa na siyang mag-settle down.
Baka naman gusto lang nila ng kanya-kanyang trip muna at nasa mood lang si Julia na mag-solo travel?
In fairness, suportado ng mga marites ang aktres ha.
Deserved daw nitong makawala kay Gerald. Mag-asawa na lang daw ito ng gwapo at mayaman.
At kung totoo man daw ang chika ay hindi na raw magugulat ang bashers.
‘Kaloka.
- Latest