^

PSN Showbiz

Tape, may utang din kina Paolo at Isko

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tape, may utang din kina Paolo at Isko
Tahanang Pinakamasaya hosts
STAR/ File

Dahil sa nilabas na statement ng GMA 7 na sinampahan nila ng kasong Estafa ang TAPE, Inc., naglabasan na ang mga kuwento na pati ang mga host ng Tahanang Pinakamasaya ay hindi pa rin daw fully paid.

Matagal na naming nababalitaan ito, pero ipinakiusap sa aming huwag nang isulat dahil mas gusto nilang tahimik lang ang paniningil at pag-settle nito sa mga host, na talents naman ng Sparkle ng GMA Artist Center.

Pero nagulat ang mga taga-TAPE na nilabas ng GMA 7 ang isyung pag-file ng Estafa, dahil sabi ng ilang nakausap namin, sa kanilang mayayaman ay hindi naman ganun kalaki itong halos P38M na sinisingil nila sa TAPE, Inc.

May rason naman ang Kapuso network at meron naman talaga silang sinisingil sa dating producer ng Eat Bulaga.

Kaya lang nilinaw sa amin ng legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na wala pa raw talagang kaso.

Wala raw silang nakitang kaso o nai-file na complaint sa Office of the City Prosecutor.

May bago na raw kasing ruling ngayon ang Department of Justice na idinadaan muna sa mediation bago ito imbestigahan ng Prosecutor’s Office.

Nakita ko pa nga ang subpoena na iniimbitahan pa lang sila ng piskalya sa mandatory mediation na naka-schedule sa May 29 ng tanghali.

Nakasaad pa roon, “Failure to attend the mandatory mediation conferences will serve as a waiver of your right under the said Department Circular, and the conduct of Preliminary Investigation shall proceed accordingly.”

Kapag walang mangyayari sa mediation, magkakaroon na ng formal preliminary investigation at bibigyan ng sapat na araw para makapag-file ng counter affidavit ang panig ng TAPE, Inc.

Kaya nilinaw ni Atty. Maggie na wala pa talagang kaso sa ngayon.

Sana magkaayos na lang sa mediation at magkasundo kung kailan ito mababayaran.

Sabi nga ng isa pang kausap namin, isang condo unit lang ‘yan sa Rockwell ay bayad na ‘yang sinisingil ng GMA 7. Sana mapag-usapan nila ito nang maayos, at ma-settle na rin ang dapat bayaran sa mga host ng TP.

Kylie, Aljur at AJ, magkasundo na

“Secret” at tawa nang tawa lang si Kylie Padilla nang biniro namin kung in love ba siya ngayon, nang makatsikahan namin sa nakaraang look test ng pelikulang The Lotto Winner.

Basta masaya raw siya ngayon sa magagan­dang projects na ginagawa niya at mga anak niyang nagbibigay inspirasyon sa kanya.

Okay rin daw sila ngayon ni Aljur Abrenica, at maayos daw ang co-parenting nila sa dalawa nilang anak.

“Family, okay ako. Kasi nakahanap na kami ng magandang flow, kaming dalawa ni AJ (Aljur Abrenica). Co-parenting wise, we’re in a good place, and my kids are in a good place. ‘Yun nga lang, hindi pa nga nila matanggap na nagwo-work ako. Nalulungkot pa rin sila ‘pag alam nilang magtatrabaho ako. But, babawi naman ako when I have time,” sabi pa ni Kylie.

Nagulat ang Kapuso actress nang hinirit ko kung okay ba ang mga anak niya sa kapatid nila kina Aljur at AJ Raval.

Natawa na lang siya, at ayaw niyang sagutin ‘yun, dahil wala naman daw sinasabi sina Aljur at AJ.

“Okay sila. Basta okay sila. Balita ko naman na maalaga din naman si AJ. So happy ako dun,” pakli nito.

Naudlot din pala ang pag-uusap nila ni AJ Raval.

“Ahh, we tried, but then na-realize namin na hindi na muna kailangan i-push ‘yung… oo wala pa naman dun e,” sambit ni Kylie Padilla.

Kaagad na-impress si Albert Martinez kay Kylie nang mag-shoot sila ng ilang eksena ng pelikulang gagawin nila.

Natawa lang kami sa tsika ni Albert na ni-research pa raw niya si Kylie Padilla, at doon lang daw niya nalamang anak pala ito ni Sen. Robin Padilla.

“Honestly, I’m not really into showbiz. I don’t know much people. Coz, the last Kylie I worked with was another Kylie (Verzosa). So I’m so confused when I saw Kylie.

“But of course I have to research to find out who Kylie is. She’s the daughter pala of Robin. So, ah okay. Ngayon ko lang nalaman. I have a different world. I’m in this industry but I’m not in it at the same time,” napapa­ngiting pahayag ni Albert Martinez.

TAHANANG PINAKAMASAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with