Marian, nag-trending sa ayuda ng ‘confidential fund’

Trending kahapon si Marian Rivera.
Pero hindi ang GMA Primetime Queen.
Naloka kasi ang fans ni Marian dahil diumano’y tumanggap siya ng ayuda mula sa confidential fund ng office ni Vice President Sara Duterte.
Diumano’y umabot ‘yun sa P100,000 na kasama nga diumano sa confidential fund ng kontrobersyal na Bise Presidente ng bansa.
Meron namang mga natawa, na si Marian pa talaga. Hahaha.
Walang sinabi kung taga-saan itong si Marian pero para sa transport expenses diumano ang nasabing allowance na natanggap nito.
Ang isa sa mga haligi ng GMA News na si Arnold Clavio ang may source sa pangalan ng isang Marian Rivera.
Dahil dito, maging witness daw kaya si Marian sa Senado?
Itinakda ng Senado ang pormal na pagtanggap ng House panel of prosecutors para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, alas-4 ng hapon, sa Hunyo 2.
Magpupulong daw ang Senado bilang impeachment court sa susunod na araw, Hunyo 3, sa ganap na alas-9 ng umaga upang maglabas ng patawag at iba pang kaukulang kautusan.
Well, si Marian ‘yan kaya kahit kapangalan niya lang, pinag-uusapan na.
- Latest