^

PSN Showbiz

Anne at Nadine, nag-aalala sa pagkakakalbo ng Sierra Madre

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne at Nadine, nag-aalala sa pagkakakalbo ng Sierra Madre
Anne Curtis.
STAR/ File

Isa pang trending kahapon ay ang short convo nina Anne Curtis and Sandara Park.

Nasa Seoul, South Korea si Anne para sa isang event ng isang brand ng makeup.

Nagpa-thank you si Anne kay Sandara sa pag-share ng kanyang make-up artist sa isang Instagram story.

At nakasama ni Anne sa nasabing event si Jessica Jung na isang sikat na South Korean singer.

Samantala, kaka-drop lang ng Star Creatives ng unang pictorial sa main cast ng It’s Okay to Not Be Okay Philippine adaptation na kinabibilangan nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Kasama sa item na nagti-trending sa pangalan ni Anne ay ang kanyang pagkabahala sa lumabas sa hitsura ng Sierra Madre na kung pagbabasehan ang mga lumabas na pictures ay sira na nga ito.

Kalbo na ito dahil diumano sa mining. Ang nasabing bundok ang sinasabing pumoprotekta sa mga bagyong dumarating sa iba’t ibang lugar na malapit sa nasabing kabundukan.

Komento nga ni Anne sa isang post: “Good morning! Is this real can anyone confirm this? This quite concerning. I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons strength before it hit the cities. I truly hope this isn’t real!!!!”

Maging si Nadine Lustre ay ginamit din ang kanyang social media page upang punahin ang pagkakakalbo ng Sierra Madre.

Makikita nga ang nasabing kabundukan sa Dinapigue, Isabela, na kalbo na ang malaking bahagi nito.

Ayon sa forestfoundation.com, ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Ito ang bumubuo sa silangang gulugod ng Luzon, tumatakbo mula sa mga lalawigan ng Cagayan sa hilaga papuntang Quezon sa timog.

Ang koridor ng Sierra Madre ay may lupain na humigit-kumulang na 1.4 milyong ektarya, na sumasaklaw sa Lambak ng Cagayan, Gitnang Luzon, at mga rehiyon ng CALABARZON, partikular sumasaklaw sa 10 lalawigan.

Kaya ‘pag sira ito, apektado ang mga nasabing lugar.

SANDARA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with