^

PSN Showbiz

Espiritu ni Ate Guy, bumida sa shooting ng Faney!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Espiritu ni Ate Guy, bumida sa shooting ng Faney!

Ang saya-saya naman. Buhay na buhay ang pagmamahal ng fans ni the late Superstar at National Artist Nora Aunor.

Kasalukuyang dinadagsa ang Pan de Nora sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Flores habang magkakaroon ng mga special screening ang pelikulang Faney [The Fan], produced by Frontrow International, written & directed by Adolfo Borinaga Alix Jr.

Nagkaroon na ito ng special screening last Wednesday night, mismong kaarawan ng nasirang iconic actress / singer pero hindi pa alam ng mga producer kung saan ipalalabas ang film tribute na ito na pinagbibidahan nina Laurice Guillen, Althea Ablan, Gina Alajar at iba pa.

Pero sa totoong buhay kaya, faney ang mahusay na aktres at director na si Direk Gina, “Hindi ako fan ni Guy. I’m a fan of her work at malaki ang respeto ko sa kanya bilang isang artista. Hinahangaan ko siya bilang isang artista. Three words. Mysterious. Enigmatic. Wow! Saan galing ‘yun? Yeah, and one more. She’s great,” pag-amin niya.

At bilib siya sa matinding suporta ng fans ni Ate Guy.

“Sana meron din akong ganung fans. I mean, one of a kind sila. One of a kind kasi ayun nga sila nanay Lourdes (loyal fan ni Ate Guy), na naging fan   ni Nora noong Tawag ng Tanghalan days. So she was just parang 10 or 12 years old. So, sinundan na nila ‘yun. So, saan mo makikita ‘yun ngayon. Sino kayang artista ngayon ang may isang lola, nanay Milagros. At hindi isa lang si nanay Milagros. Marami sila. Marami sila riyan,” sabi ni Ms. Gina na isa sa bumida sa nasabing film tribute kay Ate Guy. Ang Milagros na tinutukoy ay ang character niya sa film tribute.

Inilahad sa kuwento na sa araw ng pagkamatay ni Ate Guy, isa sa kanyang avid fans, ang labis na naapektuhan.

Kaya’t nabuksan ang Pandora’s box ng emotions and memories para sa kanyang idol — a bittersweet mix of some things she would rather forget.

Habang ang anak ni Milagros na si Babette ay hindi siya pinayagang dumalo sa public viewing ni Ate Guy dahil katatapos lang sumailalim sa angioplasty at kailangan nito ng oras pa para maka-recover. Pero plinano niyang tumakas at kinausap ang apo na samahan siya, si Beatrice.

Alam ni Milagros na may sama pa rin ng loob si Babette kay Nora dahil noong bata pa siya, nawala siya ni Milagros sa isang fan meet at natagpuan siya makalipas ang isang taon.

Si Beatrice ay isang  K-Pop at P-Pop fan at siya mismo ay naghahanda na rin para sa isang fan meet ng kanyang fave K-Pop idol Lee. Nagpapaliwanag si Milagros at sinubukang kumbinsihin si Beatrice habang inaalala ang Noramania na naranasan niya noon sa fan meeting.

Hanggang nagpapalitan sila ng mga kuwento at ramdam ang agwat pero pagkakatulad sa pagitan ng mga tagahanga ng iba’t ibang henerasyon.

Hanggang sa wakas ay pumayag si Beatrice na ihatid ang kanyang Lola sa wake ngunit pagdating nila, sarado na ang public viewing. Nadurog ang puso, pero nangako si Beatrice na dadalhin ang kanyang lola sa libing ni Nora.

Natupad kaya ‘yun?

Ang sumunod na eksena ay isang nagpatibay sa kuwento na higit pa sa fandom — ang mahalaga ay kung paano tayo hinuhubog ng kung sino ang ating pinaniniwalaan at kung sino ang ating mga iniidolo.

Kasama rin sa pelikula sina Bembol Roco (Edgar), Ian de Leon as himself, Perla Bautista (Lola Flor), Roderick Paulate bilang Pacita Ma, Angeli Bayani bilang anak ni Lola Cely at Bianca Tan as Amy.

Bukod kay RS Francisco (Frontrow), co-producer din sa pelikula sina Atty. Aldwin Alegre ng AQ Films at Cecille Bravo ng Bravo Films.

Anyway, four shooting days lang ang Faney ayon mismo kay Direk Adolf.

Kaya pakiramdam ng direktor ay ginabayan sila ng espiritu ni Ate Guy habang ginagawa ito,

“Sa tagal naming magkakilala ni Ate Guy, madalas niyang ikuwento sa akin ang kanyang mga fans. Kung minsan may hinahanap siya ng mga fans niya, kaya alam ko po kung gaano niya kamahal ang mga tagahanga niya.

“Ito pong pelikulang ito tungkol sa kanyang mga fans, sa kanya, at sa pamilyang Pilipino. Dahil kahit naman sino sa atin ay may hinahangaan na artista.”

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with