Most wanted sa gusting mag-comeback... Batang Quiapo, most-watched teleserye on-air at online sa Pilipinas

Gabi-gabi pa ring sinusubaybayan ng mga Pilipino ang maaaksyong bakbakan ni Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo, matapos itong magtala ng 24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 para manatiling most-watched teleserye sa bansa.
Ang Kapamilya teleserye nga ang nangungunang programa sa primetime matapos nitong magrehistro ng halos dobleng national TV rating kumpara sa 12.64% fused TV rating ng katapat na serye, mula sa parehong urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media. Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Bukod sa telebisyon, namamayagpag din ang serye sa online viewership. Para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views para sa pinagsama-samang full episodes at highlights nito sa YouTube.
Patuloy na kinakapitan ng mga Pilipino ang pakikipagsapalaran ni Tanggol (Coco Martin) sa mas pinalakas na maaaksyong engkwentro bilang ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pamilya Montenegro. Lagi ngang trending sa social media ang mga eksena at karakter nito kung saan patok na patok sa mga manonood ang halo-halong emosyon, drama, at aksyon.
Kaya naman taos-pusong nagpapasalamat ang lahat ng bumubuo sa FPJ’s Batang Quiapo para sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi-gabing sinusubaybayan ang buhay ni Tanggol sa TV at online.
Marami nang dumaang artista, old and new sa Batang Quiapo, kaya naman pag may gustong mag-comeback, talagang nasa isip nila ang pinagbibidahan at dinidirek ni Coco.
At kabilang diyan ang dating sexy star na si Klaudia Koronel na matagal na ring nagtatrabaho sa Amerika, nagka-asawa na at na-divorce pero kung mabibigyan ng chance sa programa ni Coco gustong mag-comeback. Kaya naman nanawagan siya nung minsang nainterview namin siya sa karelasyon ni Julia Montes.
“Co, baka naman... Gustung-gusto ko ‘yung makulit na comedian. Kayang-kaya ko ‘yun,” mensahe ni Klaudia kay Coco.
- Latest