^

PSN Showbiz

Kris, ‘di nakakalimot!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, ‘di nakakalimot!
Kris Aquino.
STAR/ File

Bukod sa talagang hanga ako sa pagiging thoughtful at very sweet nina Papa Miguel Belmonte at Toby Tiangco, naloka rin ako na nagpatawag si Kris Aquino para sabihing meron siyang something for me para sa aking 78th birthday.

Bongga at overflowing talaga ang heart ko in gratitude dahil parang hanggang ngayon ay relevant pa rin ako sa showbiz at sa lahat ng mga nagmamahal sa akin.

Hindi ko naisip na ganito nila ako kamahal. Melting in gratitude ang puso ko talaga.

Sentimental pa naman ako lately kaya lalo pa akong tinatamaan sa puso ng mga ipinadarama nilang pagmamahal.

At from my heart, thank you kay Kris na hindi talaga nakakalimot. So touching na sa gitna ng mga hinaharap niya sa buhay, naalala pa rin niya ako.

God is good, always good.

Lahat ng blessings ko sa buhay all these years alam ko na bigay nang nasa Itaas.

Sa maraming taon, alam ko na nalusutan ko mga problema sa buhay dahil sa tulong ng Guardian Angels ko. Thankful na inabot ko ang edad na 78 na walang painful na sakit o problema na magiging bigat sa balikat ko.

I was sorrounded by friends na malaking tulong sa growth ko as a person.

For all this, my thanks, gratitude to my Almighty God na talagang nasa tabi ko para gabayan ako.

Salamat po, Diyos ko, marami pong salamat.

Bongga.

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with