Alden, umabot sa rock bottom ang depression

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibahagi ni Alden Richards sa publiko ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok noong isang taon. Nakaranas ng depresyon ang Kapuso actor na mas pinatindi pa ng pagkamatay ng kanyang lolo noong Enero lamang. “Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there. I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that. Hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression. Ang galing nga, hindi lang halata eh. Before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan kasi hirap ako eh. Ayokong magpakita ng weakness,” pagtatapat ni Alden sa GMA Integrated News Interviews.
Kapag walang trabaho ay sinisikap ng binata na gawin ang mga bagay na hindi niya napagtuunan ng panahon sa mga nakalipas na taon. Madalas ngayong makikita so social media ang ginagawang pagpapapawis ng aktor katulad ng biking at running. “I owe it to myself. ‘Yon ‘yung times kasi na when you’re clouded with a lot of negative thoughts and alam mong meron kang mga kasama. Alam mong nandiyan ‘yung mga taong nagmamahal sa ‘yo pero hindi mo maproseso nang tama ‘yung emosyon mo. Hindi mo maproseso nang tama ‘yung pag-iisip mo. it’s very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito,” paliwanag niya.
Kahit walang kasintahan ay masaya naman umano si Alden sa kanyang personal na buhay. Para sa aktor ay hindi naman kailangang magkaroon ng karelasyon upang maging masaya sa isang tao. “I don’t understand. ‘Di ko alam, ‘di ko gets. Bakit gano’n ang mindset natin palagi? Na ang basis ng kasiyahan ng isang tao eh love life. This is my story. And this is how I want my story to be told. Not based on the presumption of other people. I’m so done with that. I’ve been here long enough. I know I’ve done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now,” giit ng binata.
Jillian, laging walang tulog
Napapanood si Jillian Ward tuwing gabi sa Mga Batang Riles. Kahit kulang sa tulog ay sinisikap umano ng dalaga na palaging maayos ang hitsura kapag humaharap sa mga tao.
“Lagi akong walang tulog recently kasi back to work na ulit ako. Ngayon nakaka-help na may concealer ako sa taping. May mga ginagamit akong highlighters. ‘Yon ang aking pampa-fresh kumbaga,” nakangiting pahayag ni Jillian.
Para sa aktres ay nakatutulong din ang pagiging kuntento at masaya sa hitsura ng isang tao. “Kapag happy ka talaga feeling ko. Kasi minsan kahit anong effort nating mag-ayos, ‘yung mga gano’n. Pero kung hindi ka happy, nakikita kasi sa eyes ‘yon. Siyempre family ko, work ko and ‘yung mga nakapaligid po sa akin,” paliwanag niya.
Kinakikiligan ng mga tagahanga ang tambalan nina Jillian at Raheel Bhyria sa Mga Batang Riles. Ayon sa dalaga ay malaki na ang ipinagbago ng aktor ngayon. Matatandaang unang nagkasama sina Jillian at Raheel sa Abot-Kamay na Pangarap. “Nakikita ko ‘yung edits nila (fans) sa TikTok and siyempre happy rin po kaming dalawa. Kasi nagsama kami ulit after Abot-Kamay na Pangarap and feeling ko mas close kami ngayon. Actually, medyo nag-iba po ‘yung tingin ko sa kanya recently. Feeling ko mas grounded siya ngayon, mas mature siya,” paglalahad ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest