^

PSN Showbiz

Maja at Rambo, ayaw pa ring ilantad ang anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maja at Rambo, ayaw pa ring ilantad ang anak
Maja Salvador at Rambo Nuñez.
STAR/ File

Ang daming natuwa sa mga ipino-post ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa anak nilang si Baby Lili. Matagal-tagal bago nagkaroon ng face reveal sa social media ang kanilang anak.

Pero kay ayaw talaga nila ng asawa niyang si Rambo Nuñez na ipakita sa publiko ang kanilang Baby Maria.

May kumalat kasi na picture ng bata ng kasama ni Maja, pero pamangkin pala ito ni Rambo.

Mananatiling pribado raw ito.

“Kasi parang gusto kong ibigay sa kanya ‘yung freedom talaga na kung papano ba siya gusto niyang makilala siya ng tao. Gusto ba niya? ‘Yung ganun.

“Kesa ‘yung i-post ko siya, but then paglaki niya ayaw pala niya, alam n’yo ‘yun.

“Ayaw niya sa mundo namin, ‘yung gusto niya tahimik lang ‘yung buhay niya na hindi naman mangyayari ‘yun for sure,” pakli niya nang makapanayam namin sa media launch ng bagong body care brand na Majeskin.

May ilang brands nga raw na gusto nilang model ang kanyang anak, pero tinatanggihan daw niya.

At kaya pala ang aga ng media launch ng Majeskin ni Maja, dahil in-adjust pa raw ito sa schedule ng anak nila. Gusto niyang matapos ito nang maaga para pag-uwi raw niya ay mapatulog pa niya ang baby nila.

Ang Majeskin ay sinimulang negosyo ng mag-asawang Maja at Rambo ay parang second baby na rin daw nila, at kaya natuloy ito ay dahil na rin daw sa suporta at collaboration sa kanila ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm.

Nasa TikTok at Lazada na itong Majeskin na lotion at body scrub, pero kini-carry na rin daw ito ng Beautederm.

Albert, semi-retired na!

Nakapag-decide na pala si Albert Martinez na magbawas ng trabaho.

“Actually, I already declared semi-retirement,” pakli ni Albert nang makatsikahan namin sa nakaraang look test ng pelikulang The Lotto Winner ng Mavx Productions.

Ang tinatanggap niyang trabaho ay ‘yung gusto na lang daw niyang gawin.

“I wanna spend more with my grandchildren. I wanna spend more time with my kids, which I missed during the time when I’m working day in, day out.

“So, I told myself, even my management, sabi ko, ‘from now on I’m just gonna do one project that I believe in. Then the rest, I would enjoy my time with my family and friends. Then, this came about, I read the material sabi ko, sige. This is something I wanna do,” saad niya.

Ginagawa na lang daw niya ngayon ang FPJ’s Batang Quiapo na kaya niya ginagawa dahil commitment daw niya ito kay Coco Martin.

Ngayon ay ang tinatanggap niyang projects na hindi para kumita, kundi gusto talaga niyang gawin.

Malaking realization daw sa kanya nung pumanaw ang asawa niyang Liezel na kapag nagkaroon na raw ng sariling pamilya ang kanyang mga anak, siya na lang daw talaga ang maiiwang mag-isa.

May pamilya na ang tatlong anak ni Albert, at nae-enjoy na niya ang pitong apo niya.

Pero bukas naman daw siya sa posibilidad na baka darating ang araw ay may dumating na magiging partner niya.

Excited si Albert sa pelikulang The Lotto Winner ng Mavx, at first time pa nilang magkasama ni Kylie Padilla.

First time nga raw nilang nagkakilala roon at nagulat kami na doon lang daw niya nalamang si Sen. Robin Padilla pala ang tatay ni Kylie Padilla.

ELLEN

MAJA

RAMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with