^

PSN Showbiz

Nadine gumanti ng demanda sa mga walang tigil na paninira

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nadine gumanti ng demanda sa mga walang tigil na paninira
Nadine Lustre

Nagsampa ng reklamo si Nadine Lustre sa paglabag sa Safe Spaces Act sa gitna ng diumano’y “walang tigil at malisyosong pag-atake” laban sa kanya sa social media.

Bagama’t walang detalye sa reklamo o impormasyon kung anong malisyosong pag-atake ‘yun.

At mabilis ang suporta ng bagong panalong partylist representative, si Leila de Lima at sinabi kung gaano kahalaga ang pagsasagawa ng legal na aksyon ng aktres sa panahong ginagamit ang social media para “patahimikin ang mga nagsasalita para sa katarungan at reporma.”

Tinulungan ni Nadine si former Justice secretary Leila de Lima noong mangampanya ito para sa ML na kabilang sa mga nanalong partylist sa nakalipas na midterm elections.

Ayon sa uupo sa Kongreso: “We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured.

“This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Gina­gamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira,” unang bahagi ng statement ni former Sec. De Lima.

“Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon. These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig.”

At kung paano sila sinuportahan ni Nadine noong kampanya, ganundin ang ipinahayag na suporta ng ML sa actress: “We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin.”

Sa huli ay nagpasalamat pa siya kay Nadine na kilalang hindi nagpapaapi : “Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan.”

Hindi na bago kay Nadine ang pulitika. Consistent siya sa pagtindig sa mga maiinit at pinag-uusapang mga problema ng bayan.

Kaya nga tinawag pa siyang President Nadine.

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with