Zero pressure performance video ng BINI nanguna sa Youtube Trending for Music, bumida sa EMEA

Sa kabila ng mga isyu-isyu, umakyat na agad sa #1 Trending for music sa YouTube ang Zero Pressure official performance video ng nation’s girl group na BINI na umani na sa kasalukuyan ng mahigit sa 1 million views.
Ito ang una nilang performance video pagkatapos ng Pantropiko na nagtatampok ng fresh choreography mula kina Renan at Kitkat, mga kilalang choreographer na nasa likod ng ilang sayaw mula sa tanyag na girl groups tulad ng Aespa, I-dle, at XG. Kinunan ang video sa A: Museum sa Ayala Malls Manila Bay.
Inilabas ang performance video kasabay ng BINIverse World Tour na nagsimula na sa sold-out concert sa Dubai noong Linggo (Mayo 18) at magpapatuloy sa United Kingdom, United States at Canada.
Kabilang ang Zero Pressure sa BINIverse EP na inilunsad noong Pebrero.
Gawa ang kanta sa parehong music camp kung saan nanggaling ang Cherry On Top.
Mapapanood ang Zero Pressure performance video sa BINI Official YouTube channel at patuloy na pakinggan ang BINIverse EP.
At in all fairness, hanggang sa ibang sulok ng mundo ay sikat na talaga ang BINI.
Nagbunyi ang fans ng sikat na Pinoy girl group sa crossover sa pagitan ng mga e-sport at P-pop, ang in-game leader ng Fnatic na si Jake “Boaster” Howlett na nagpagulong-gulong sa grand final walkout ng VCT EMEA Stage 1 nang i-busted niya ang Zero Pressure.
Inspirasyon nga raw ng choreography ng BINI sa Zero Pressure ang napanood sa nasabing performance ng F’natic.
Obvious na zero pressure ang BINI sa kabila ng mga isyu sa attitude nila.
- Latest