^

PSN Showbiz

Kylie, kakasabwatin ang amang senador para sa mga bagong panganak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kylie, kakasabwatin ang amang senador para sa mga bagong panganak
Kylie at Robin Padilla

Sobrang naapektuhan si Kylie Padilla sa balita tungkol sa isang ina sa Bulacan na sinunog ang kanyang sarili sa loob ng kanilang bahay kasama ang tatlo niyang anak.

Ayon sa balita, depression ang nagbunsod sa 28-year-old na nanay para gawin ‘yun. Maaaring postpartum depression daw ‘yun at nadagdag pa ang problema sa kanilang buhay na wala silang makain at kahit gatas sa isang taon niyang anak. Ang dalawang anak pa niya ay edad four at six years old.

Nag-post si Kylie sa kanyang social media account kaugnay rito, dahil pinagdaanan din daw niya ang postpartum depression at nabinat pa siya.

Nakausap ko si Kylie kahapon sa look test ng pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions, ang Lotto Winner na kung saan ay makakasama niya si Albert Martinez.

Sabi ng Kapuso actress, napahagulgol daw siya ng iyak nang mabasa niya ang balitang ‘yun tungkol sa nanay na ‘yun.

Naranasan daw niya kasi ang matinding postpartum depression nung ipinanganak niya ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica.

Nabinat pa raw siya at kaya niya nasabing kulang siya ng support system dahil medyo shaky na nung time na ‘yun ang pagsasama nila ni Aljur.

Kaya nanawagan siyang dapat huwag balewalain ang postpartum depression at sana maisabatas daw ang mas mahabang paid maternity leave para sa mga bagong panganak na nanay.

Gusto nga raw niyang gawing advocacy ito, at kakausapin niya ang kanyang amang si Sen. Robin Padilla, na sana isabatas daw itong sa maternity leave at mabigyan pa ng protection ang mga kapapanganak na nanay.

Ani Kylie, “Sabi ko, ‘My God! Parang nagkaroon ako ng realization na huwag masyadong tingnan n’yo sa negative part of your life. Appreciate na lang natin kung anong meron, and then grateful na lang tayo kasi blessed pa rin ako.

“And I just wanted to use my voice by pos­ting on Facebook for awareness, para mabawasan ‘yung mga ibang nanay na walang you know na walang help.

“Kasi wala siya dito ulit e. Very busy si Papa.

“But I’m thin­king it could be one of my advocacies in the future kasi.

“Pero totoo ‘yun. Kasi ang hirap talaga, ‘pag nagsabay ‘yung mental health and kung mabinat ka, that’s body naman. Hindi nagpa-function ‘yung body on the right way.

“Nakakamatay ‘yung binat ha? People don’t believe that, pero nakakamatay siya.”

Excited si Kylie rito sa Lotto Winner dahil first time niyang makatrabaho ang award-winning actor na si Albert Martinez, at may ginagawa pa siyang drama series, ang My Father’s Wife na si Gabby Concepcion naman ang kasama niya.

Ian, inaayos pa ang mga ari-arian ni Nora

Dinagsa ng Noranians ang special scree­ning ng pelikulang Faney na tribute film ni Direk Adolf Alix sa namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Sa tulong ng Frontrow International, Intele Builders, Noble Wolf at AQ Films nabuo ang naturang pelikula tampok sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Althea Ablan, Angeli Bayani at may special participation sina Ian de Leon, Roderick Paulate at Bembol Roco.

Isang screening pa lamang ito na ginanap sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 noong nakaraang Miyerkules, sa mismong kaarawan nito.

Dumalo ang magkapatid na Ian at Kenneth de Leon, kasama ang kanilang pamilya.

Nagpasalamat si Ian kay Direk Adolf na nabuo ang pelikulang ito, bilang pagbibigay pugay sa kanilang ina.

Tinake ko na rin ang opportunity para itanong kay Ian kung naayos ba nila ang manang naiwan sa kanila ni Ate Guy.

May mga bali-balita tungkol sa ilang properties ng namayapang Superstar, kaya kinumusta namin ito kay Ian kung naayos ba ito.

Aniya, “It remains confidential. Siyempre ‘yung mga inaayos rin namin, ‘yung sa personal na mga bagay. Beyond that, its confidential. I hope people will respect that.”

KYLIE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with