Pia, suko na sa kumpetisyon... kay Heart?!

Malaking hakbang ang pagpapalit ng pangalan na ginawa ng former Miss Universe na si Pia Wurtzbach na nagpapakilala ngayong Pia Jauncey.
Sa interview ng Preview ay ipinaliwanag ito ng dating beauty na kasal sa Scottish businessman / influencer na si Jeremy Jauncey kung ba’t niya ginawa
At paliwanag niya sa interview ng Preview: “We’re the Jaunceys now. After a while, I started feeling like ‘Pia Wurtzbach’ didn’t feel right anymore.”
Dagdag na paliwanag niya sa nasabing desisyon na gamitin na ang apelyido ng asawa ay dahil “One day when we have kids, I would want them to see that we share the same last name as their dad. It’s a bit of a traditional move for Jeremy, but it doesn’t really bother me.”
Samantala, sa nasabing interview niya rin nabanggit na ayaw na niyang makipag-compete matapos ang sunud-sunod na maingay at tagumpay na rampa sa mga fashion week sa Europe na naging daan para pagkumparahin sila ni Heart Evangelista lalo pa nga’t ang kanyang team ay ang natanggal na glam team ni Heart. “Like, come on, I just came from a competition a couple of years ago, I don’t want to be in another one,” banggit niya.
Katwiran niya, ang kanyang ka-compete lang niya ay ang kanyang sarili.
Dagdag pa niya: “The worst thing that you can do to yourself is to stop learning. Your pride [might stop you from] being an underdog again, but even the masters were once babies who knew nothing. It’s uncomfortable, but it’s forced me to grow.”
As expected, may reaction ang netizens lalo na sa bahaging ayaw na niya ng competition pero kasalukuyan itong nasa Paris.
Pero mas mukha namang wala na sa consciousness ni Heart ang competition dahil parang nanalo na nga naman siya sa rami ng endorsement here and abroad.
Pero siyempre walang ceasefire sa ibang netizens.
- Latest