Phillip, naghahanap ng boto?!

Tinatanong pa raw ni Phillip Salvador kung saan napunta ang boto niya sa nakaraang midterm elections.
May kuwento na hindi pa raw ito makapaniwala na natalo siya sa pagka-senador.
Hindi man lang umabot sa Top 15 ang actor ganundin ang kaalyado niyang si Willie Revillame.
Proklamado na ang 12 senators na uupo sa pagbubukas ng Kongreso before the end of the month.
Kabilang ang actor sa maraming artista na natalo.
Ang nakakatawa, nagpapasalamat ang ibang voters kay Gloria Diaz na ang pakiramdam nila ay isang factor kung bakit humina sa botante ang actor.
Nag-viral nga ang reaksiyon at komento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz laban sa kumandidatong actor. Napanood sa isang video na nagsisisigaw si Phillip ng “Bring Him Home!” na ang tinutukoy ay ang dating presidente na si Digong Duterte na kasalukuyan pa ring nasa The Hague, Netherlands.
- Latest