Ogie, pinayuhang magdemanda

Tuloy ang pagkakalat ng fake account ni Ogie Alcasid.
Kaya naman nakikiusap siya na “Please do not believe this. Fake po sila.”
Ito ‘yung account na nagkakalat na nagkaroon siya ng malalang sakit at nangangailangan ng tulong.
Pinayuhan na si Ogie ng iba niyang followers na kasuhan na ang nagkakalat na ito para matuto ng leksyon.
Nilagyan pa ng administrator ng Ogie A. account ng imbentong follower na millions.
Andami ngayong gumagawa ng fake account para kumita sa totoo lang.
Samantala, dinagsa ng buyer ang garage sale ni Ogie for a cause. “Had a most wonderful time today at @worldvisionphl. Ty to all that bought my pre loved clothing to help raise funds for the feeding program for malnourished kids of WV! All glory to God!! Ty for everyone’s support.”
- Latest