Dennis, ginantihan ng mga ex at anak

Ang bongga na magkakasama ang mga ex ni Dennis Padilla na sina Marjorie Barretto at Linda Gorton at ang mga anak nila sa actor.
Ipinost ni Linda ang photo ng mga bagets na magkakasama na tinuturing niyang birthday gift na kanyang natanggap.
Nag-enjoy raw ang mga anak nila ni Marjorie. Nakakatuwa nga raw na makita ang mga ito na nag-uusap, nagtatawanan at nagbibiruan na parang laging magkakasama na aniya “it was really a beautiful thing to watch.”
Dagdag niya ay gusto rin daw niyang batiin si Marjorie sa birthday nito.
Pinuri pa niya ito at sinabing “You are truly an exceptional woman. I admire your courage and strength. And how you face challenges with determination and grace. Wishing you all the dreams your heart desires.”
Nakakatuwa na makitang maayos ang samahan ng mga ex ni Dennis kahit ‘di maganda ang naging relasyon ng mga bata sa tatay nila sa kasalukuyan.
Sey nga ng mga follower nila ay iyon daw ang pinakamagandang ganti sa tatay ng mga ito na makita ang mga anak nito sa mga dating karelasyon na magkakasundo.
Ang isa pang bongga nga raw ay ang gaganda talaga ng mga ex ni Dennis at papasa nga raw na Barretto si Linda.
Napuri pa nga ang dalawa dahil talagang inayos nila ang pamilya nila lalo na si Marjorie.
Bongga naman.
‘Naging overconfident?!’
Siguro nga mahirap mag-move on ‘pag hindi mo gusto ang pagkatalo ng iyong alaga.
Puwede rin namang dahil nga unexpected kaya nakakabigla.
Siguro nga naging overconfident dahil sa mga survey na lumabas. At medyo hindi nakita ang ilang butas.
Pero no alibis, basta ngayon dapat trabaho pa rin kahit talo. Hindi ibig sabihin dahil talo ka tatalikuran mo na ang mga tinutulungan mo.
Head high kahit ano pang sabihin, for us you are the man for us. Mahal ka namin, Bong Revilla, forever.
- Latest