Jessica Soho, nabasbasan ni Pope Leo

Nagluksa ang buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, na umalingawngaw sa pandaigdigang komunidad ng Katoliko—lalo na sa Pilipinas, kung saan mahigit 80 porsiyento ng populasyon ay Katoliko.
At sa panahong ito ng kalungkutan at espirituwal na pagmumuni-muni, tiniyak ng GMA Public Affairs na ang mga Pilipino ay nasa unahan at sentro sa pagsaksi sa paglalahad ng kasaysayan.
Nanguna sa komprehensibong coverage ng network ay si Jessica Soho, country’s most awarded broadcast journalist and host of Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Ilang araw lamang pagkaraan ng pagpanaw ng Santo Papa, lumipad si Ms. Jessica patungong Roma, naging isa sa mga unang Pilipinong mamamahayag na kinilala ng Holy See Press Office na nag-cover sa buong transisyon ng papa—mula sa funeral rites hanggang sa conclave, at sa halalan ng bagong pontiff.
At from the public viewing sa St. Peter’s Basilica to the transfer of Pope Francis’ remains, Ms. Jessica shared real-time updates on the ground, using mobile reporting to deliver timely coverage. While equipped with professional broadcast gear, she often relied on her phone to document and upload moments on the go, bringing the story swiftly and directly to Filipinos online.
Sa pamamagitan ng malawak na digital network ng GMA Public Affairs—na may mahigit 160 million followers —ang kanyang Vatican coverage ay umabot sa pandaigdigang Filipino audience at nakakuha ng mahigit 47 million views, na binibigyang-diin ang malakas na resonance at epekto nito.
Higit pa sa mga ritwal, binigyang-diin niya ang mga tinig ng pamayanang Pilipino sa Roma—mula sa mga pilgrim at seminarista hanggang sa mga klerong nagtatrabaho sa Vatican. Bago ang conclave, nakiisa rin si Ms. Jessica sa isang Thanksgiving Mass na pinangunahan ni Cardinal Luis Tagle—kung saan inanyayahan siyang magbasa ng Prayers of the Faithful—at nakakuha ng panayam kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David.
Nang sa wakas ay tumaas ang puting usok sa Sistine Chapel, naroon siya sa St. Peter’s Square nang lumitaw si Pope Leo XIV.
Sa unang pakikipagpulong ng Santo Papa sa media noong Mayo 12, personal na nag-alok si Ms. Jessica ng zucchetto para basbasan—isang malalim na simbolikong pagkilos sa ngalan ng sambayanang Pilipino. Mapagpakumbaba siyang humingi sa bagong Papa ng basbas para sa Pilipinas, dala ang mga pag-asa at panalangin ng isang bansang naghahanda pa noon para sa midterm elections nito.
Panoorin ang KMJS every Sunday night on GMA and GTV.
- Latest