Ruffa, nanakawan ng alahas!
Naranasan na rin pala ni Ruffa Gutierrez na manakawan ng alahas.
Ito nga ang inamin kahapon ng actress and one of the most in demand brand ambassadors sa kasalukuyan nang ipakilala siya bilang brand ambassador ng Magical Gems by Isabel and Alexandria.
Pero throwback story na ‘yun kumbaga. Noong single pa siya at kasagsagan ng career nila ng kaibigang si Donita Rose.
Pinahiram daw niya ang alahas sa kaibigang actress na sa America na ngayon naninirahan pero may isang nagnakaw nung ipinahiram niya kay Donita.
Pero nahanap din nila ang nasabing nawalang hikaw.
Yilmaz, naudlot ang pagdalaw sa Pilipinas
Samantala, hindi na pala darating sa bansa sa Yilmaz Bektas, ang ex-husband niya upang dalawin ang dalawa nilang anak.
Aniya, nanonood daw yata ng mga video interview niya ang dating asawa.
Sa abroad na lang daw ito makikipagkita sa mga anak na sina Lorin and Venice Bektas, na darating sa bansa dahil school break na nila.
Maaalalang inamin ni Ruffa na kinausap siya ng dating mister na darating siya at nag-demand ito na masolo siya. Pero umayaw si Ruffa dahil common knowledge na meron siyang karelasyon sa kasalukuyan.
Pero buti na lang daw at hindi nito nakakalimutang magpadala ng allowance sa mga anak niya na matagal ding hindi nito ginawa.
Wala na silang problema ng dating asawa sa kasalukuyan kahit sinosolo niya ang pagpapaaral sa mga anak.
“Sa education ng mga bata, I am the sole provider. And I’m proud of that. Unless bumalik ako sa Istanbul, maaalagaan na ako ni Yilmaz, but I think that would be impossible,” sabi niya kahapon sa kaharap na entertainment press.
At ipinagmamalaki ni Ruffa na nagawa niya na palakihin ang dalawang anak na hindi niya kinailangang magbenta ng mga alahas.
“Hindi pa ako umabot sa ganun. I am blessed na maraming kumukuha sa akin sa mga show, endorsement and investments. And then my mom and Richard would give Lorin and Venice kahit papaano. So tulong-tulong din sila minsan. ‘Pag may extra money si mom, nagbibigay din siya. Pero hindi na umaabot sa ganun,” natatawa niyang sagot kahapon na pulos alahas ang pinag-uusapan dahil nga sa kanyang bagong endorsement.
“Kasi si Lorin nagtatrabaho na rin. She will finish early next year so basically isa na lang ang pag-aaralin ko. But if there’s an opportunity na kailangan kong magbenta, at least may maibebenta ako,” dagdag naman niya.
“So thank God and through the years nakapag-save ako. Of course, not all the time are we successful. Sometimes may mga months na slow ang work. Meron namang days na, when it rains, it pours, especially in show business,” sabi pa ng actress na magiging Kapuso na ulit para sa teleseryeng Beauty Empire.

Mga anak, na-brainwash!
Bukod sa napaaral niya ang mga anak, ipinagmamalaki rin niyang pinakinggan ng mga ito ang mga bilin niya na ‘wag basta-basta magpapaligaw, gusto niya traditional na aakyat ng ligaw at magdadala ng prutas sa kanilang bahay.
“Sinasabi ko kina Lorin and Venice, huwag kayong makipagkita sa kalye. Or mag-uusap lang kayo sa Instagram at nagpapakilala. Hindi ako naniniwala sa ganun. Kailangan pumunta sila sa sa bahay, humarap sila, magpakilala sila, at magbigay sila ng fruits.
“Sabi nila, ‘Why fruits? Puwede bang macaroons naman?’ Sabi ko pwede basta magpakilala sila sa bahay. I still stand for those values. The values that our parents taught us. So ayoko ‘yung nagkikita sila sa labas unless barkada lang nila talaga,” pagdidiin niya sa bilin sa mga anak.
At paulit-ulit niyang sinasabi sa mga anak, tapusin ang pag-aaral bago makipagrelasyon. “I told her tapusin mo muna pag-aaral mo. The boys will come.”

Bilin pa raw niya kay Venice na nagsabi na may crush siya recently : “We don’t have to look for a crush. They have to look for me. Tama! Sabi ko then have to look for you so bakit ikaw ang naghahanap ng crush mo? Lagi ko silang bine-brainwash, and I have succeeded. With the kids, I always tell them that one day, if they get married, they have to be with someone who is God-fearing, masipag, and someone who loves them.

“Set them free and make them fly using their wings so that they will become independent and not just rely on me. I also want them to be financially independent. Most especially, they should never rely on a man.”
Anyway, going back sa mga alahas, aminado siyang ang dami niyang alahas na namana sa inang si Annabelle Rama kaya talagang parang kulang daw ang pakiramdam niya ‘pag lumalabas siya ng bahay na walang suot let’s say ng hikaw.
Pero ayaw niyang mag-elaborate kung gaano karami ang mga ito sa kasalukuyan, baka nga naman nakabantay ang mga may masasamang balak.
At ang mommy nga raw niya sa rami ng alahas, kahit nasa bahay nila, tadtad ang mga suot na mga diamond.
Puring-puri naman ang actress na muling mapapanood sa Beauty Empire ng owner ng Magical Gems by Isabel and Alexandria na si Mr. Harry Chua.
Ayon sa Davaoeño na negosyante, “this is such a blessing. Ruffa is a gift from heaven. I never expected this to happen. We are home-grown Davao company and we’re small, modesty aside.”
Dahil pa rin sa alahas, natanong siya kung may chance pa bang magsuot siya ng engagement ring.
“I’m not closing my doors but I’m happy the way things are now. So, kung dumating man ang pagkakataon na magpapakasal ako in the future, eh sana, ‘yan na ang huli. Hanggang sa last breath of my living life, siya na ang kasama ko. If not, dyowa-dyowa na lang.”
Samantala, inanunsyo rin sa naturang mediacon na magkakaroon ng first ever physical store ang Magical Gems sa Davao at dadaluhan din ni Ruffa ang grand opening nito na gaganapin sa June 3 at mapapanood sa Beauty Empire ang mga suot niyang alahas mula sa nasabing jewelry brand.
- Latest