Vice Ganda, nagsuot ng abracadabra ni Lady Gaga

Nabighani ni Vice Ganda ang audience sa opening night ng concert ni Lady Gaga sa Singapore noong Linggo, Mayo 18.
Nagsuot siya ng Abracadabra (latest hit song ni Lady Gaga)-inspired na red gown na may kasamang pulang tungkod.
Sa post nga ay ipinakita ni Vice ang mga kuha ng kanyang outfit at mga video mula sa fans na nakakita sa kanya sa concert na ginanap sa Singapore’s National Stadium.
Kinumpara pa siya kay Lady Gaga.
“My mama told me when I was young, we’re all born superstars,” sabi ni Vice sa kanyang post mula sa Born This Way song ng idolo.
Bukod kay Vice, ang dami ring drag queen na nanood sa opening night ng concert kabilang ang Filipino drag queen na si Lady Gagita, na sa wakas ay nakaharap ang kanyang long-time idol na si Lady Gaga.
- Latest