Josh, kikilalanin pa si Kira

Nakalabas na mula sa Pinoy Big Brother house si Josh Ford. Ngayon ay posibleng magkakamabutihan na ang binata at ang kapwa-housemate na si Kira Balinger.
Matatandaang mas unang na-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition si Kira. “She’s a sweet person and sobrang bait niya po hindi lang outside, inside. Ngayon kinikilala po namin ang isa’t isa. Looking forward to whatever happens, abangan. Ha-ha-ha! At the start pa lang, sa loob ng bahay ni Kuya, we were getting to know each other. I’m excited to get to know her more. That’s all I can say,” nakangiting pagtatapat sa amin ni Josh sa Fast Talk with Boy Abunda.
Masayang karanasan para sa baguhang aktor ang maging isang housemate. Mayroong nadiskubre si Josh sa sarili sa loob ng mahigit dalawang buwan na pananatili sa bahay ni Kuya. “Sobbrang saya, super saya, Tito Boy. I really enjoyed it like having no phone. No phone, I enjoyed it so much. Kasi ako I really like connecting to people. Mas makilala ‘yung personality nila, mga kwento nila sa buhay. So that was really nice na nakilala ko po lahat sa bahay. I discovered with myself, it’s okay to not be okay. You just have to be open on how I feel. Kasi kapag hinawakan mo na ‘yung sarili mo, ‘yung damdamin mo, sasabog ka. So, it’s okay to let it out and talk to people,” makahulugang pagbabahagi ng Kapuso actor.
Nasangkot si Josh sa isang vehicular accident kung saan tatlong kaibigan ang namatay mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Malaki umano ang naging epekto sa pagkatao ni Josh nang pumanaw ang mga kaibigan. “A lot po, I don’t know how to move forward with it. Pangarap po talaga namin, kaming magtotropa na sumikat. Such genuine guys, nami-miss ko sila everyday. They’re really nice guys. Sila talaga ‘yung naturing kong kapatid. I won’t forget what happened. Pero alam ko naman na kailangan lang talaga strong and focused on the future kung ano ba talaga ang balak sa akin ni Lord,” emosyonal na paglalahad ng binata.
Matatandaang kabilang din sa mga namatay sa naturang aksidente ang apo ni Marco Sison na si Andrei. Kapag nakikita si Marco at ang pamilya nito ay humihingi pa rin daw ng paumanhin si Josh sa hindi magandang sinapit ng apo. “With Tito (Marco), hindi magso-sorry na parang, ‘What happened?’ Siyempre, I’m sorry for the loss. As in condolence po talaga. Kasi he became a best friend. They were all brothers to me. Up to this day, even though it’s been two years already, ang bigat pa rin po sa pakiramdam,” kwento ni Josh.
“I live alone sila po ‘yung palagi kong kasama sa bahay before. Ngayon it’s just hard dahil nasanay po ako na nandiyan sila. I just have to really focus on what I am now. Palagi ko silang ikukwento, hindi ko sila makakalimutan. Whenever I see them sa mga puntod nila, I just talk to them. I just want them to be happy sa mga ginagawa ko. I want them to see me on TV, they never saw me on TV. Alam po nilang artista ako pero never po nila akong nakita. I think it’s nice for them to see me now. I told them na itutuloy ko ‘yung mga pangarap namin. I want to tell my friends how I appreciated them, mahal na mahal ko sila. Nando’n sila para sa akin, no’ng wala ‘yung family ko dito, they’re in the UK. I’m the only one here,” naluluhang pahayag ng aktor. — Reports from JCC
- Latest