^

PSN Showbiz

Kakie, inaabangan kung magso-showbiz o maghahanda sa pulitika?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kakie, inaabangan kung magso-showbiz o maghahanda sa pulitika?!
Sa Instagram, nag-upload si Ate Shawie ng mga larawan mula sa graduation ceremony ni Frankie sa Barclays Center noong May 16. 

Magso-showbiz na rin kaya si Kakie Pangilinan? Bumiyahe sa New York ang mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at senator-elect Francis Pangilinan para ipagdiwang ang graduation sa kolehiyo ng kanilang anak na panganay.

Sa Instagram, nag-upload si Ate Shawie ng mga larawan mula sa graduation ceremony ni Frankie sa Barclays Center noong May 16. 

‘Di na sinipot ng bagong senador ang proklamasyon ng mga bagong senador noong Sabado para makasama ang kanyang pamilya at ipagdiwang ang milestone ng kanilang panganay na anak na babae.

Medyo malayo ang pwesto nila sa venue ng graduation kaya naman sa post ni Ate Shawie sinabi nitong : “Our fresh grad!!!  May 16, 2025. #thenewschoolnyc” at saka nilagyan ng bilog ang anak na ang layo ng kuha sa picture.

Isinama rin ni Ate Shawie ang yaya Irish ni Kakie na “Our surprise for @frankiepangilinan on her grad was her Yaya Irish! We brought her with us because she has taken care of Kakie for years now and they are so close!”

Anyway, maaalang nang nakatapos ng kolehiyo si KC sa Paris, France ay pinasok nito ang showbusiness.

Marami siya nagawang pelikula at teleserye pero hindi rin  nagtagal.

Ngayon ay isang negosyante si KC na diumano’y kasalukuyang karelasyon ng atletang si Aly Borromeo.

Si Kakie kaya magso-showbiz o tutulong sa ama sa Senado?

Maalalang naglabas ng love letter si Kakie para sa kampanya ng kanyang ama. Na obviously ay nakatulong upang manalo ang kanyang ama.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with