^

PSN Showbiz

Dingdong, naramdaman ang pagiging teacher kay Charo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, naramdaman ang pagiging teacher kay Charo
Charo Santos at Dingdong Dantes.

Mapapanood na sa mga sinehan simula June 11 ang pelikulang Only We Know na pinagbibidahan nina Charo Santos at Dingdong Dantes.

Nailunsad na ang full trailer ng naturang proyekto noong Sabado. “Siya si Betty, ako si Ryan. Kami ay magkapitbahay, nagkakilala kami dahil magkatapat ‘yung bahay namin. Apparently, pareho kami ng mga interest, at higit sa lahat meron hinahanap ang aming puso at kaluluwa, sa tamang oras at panahon na ‘yon. It’s a beautiful love story about two people. Kapag pinanood n’yo ‘yon magkakaroon kayo ng kanya-kanyang interpretation of kung ano ang nagtra-transpire na magic sa dalawang ‘yon. We’re just proud and happy to share the story with all of you. Sana tumungo po kayo sa mga sinehan. Iba talaga kapag cinematic experience, iba talaga ‘yung mararamdaman mo,” pagbabahagi ni Dingdong sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Isa ang aktor sa mga pinakakilalang leading men ng GMA Network. Marami umanong natutunan si Dingdong mula sa dating President & CEO ng ABS-CBN. Pitong taon na ang nakalilipas nang unang planuhing gawin ang bagong pelikula nina Charo at Dingdong.  “May pre-conceived impression na ako of Ma’am Charo because I look up to her. I follow her body of work. Sa ­akin unang dating pa lang, alam ko na, na siya ‘yung epitome ng isang professional actress. Pero siyempre, iba na kapag nakakatrabaho mo na, kasama mo na sa harap ng eksena, sa kamera. For some reasons, ‘yung presence niya in front of you is very calming, very compelling. And at the same time, I feel that she’s very generous not just as an actress but also as a person. ‘Yung mga mahahalagang bagay at moments minsan hindi siya nangyayari in front of a camera, but sometimes also off camera. That’s when I really got to know ma’am Charo more. When I say generous, napaka-generous sa mga kwento. Parang nagdi-dear Charo siya, nagbabasa ng sulat. Kinukwento niya ‘yung kanyang buhay, ‘yung mga nangyayari sa kanya, ‘yung challenges niya. Especially during sa seven years na ‘yon, maraming nangyari na mga challenges, mga bagay na hindi kanais-nais siguro. Naikwento niya, at ang daming natutunan. Lumabas talaga ‘yung pagiging teacher niya, ‘yung pagiging giver niya. ‘Yon ang na-appreciate ko sa kanya,” kwento ng Kapuso actor.

Samantala, mahigit sampung taon nang kasal sina Dingdong at Marian Rivera. Nabiyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak na sina Zia at Sixto. Sa loob ng isang dekada ay marami na ring natutunan si Dingdong sa kanilang pamumuhay ni Marian bilang mag-asawa at sa sariling pamilya. “Maybe the exciting parts are important but what’s more important now is the deep connections that you have. Not just between husband and wife but also between you and your kids. Deep connections between you and everybody around, na parang hindi na siya about those exciting times. Mahalaga pa rin na may gano’n pero ang pinaka-mas magla-last para sa inyo ay ang pag-establish ng deep connections na ‘yon. And these deep connections, they happen every day constantly. Because of the choices that you make. You discover new things about each other and you build on that, and mas lumalalim lang talaga ‘yung samahan ninyo, at respeto sa bawat isa,” makahulugang paglalahad ng aktor. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with