^

PSN Showbiz

‘Happy birthday to me’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Happy birthday to me’
Lolit Solis

Grabe Salve, naloka ako sa pictorial ko sa Rolling Stone Philippines na sa totoo lang ay hindi ko alam na para pala ‘yun dun dahil as usual nalimutan ko nung sabihin sa akin nung kausap ko sa telepono na may pictorial at interview ako sa Bambbi Fuentes Salon.

Basta talk lang ako nang talk at panay naman ang kuha ng picture sa akin ng isang gwapong photographer na hindi ko na maalala ang pangalan. Basta ang natatandaan ko ang cute niya kaya panay ang tingin ko sa kanya. Hahaha.

Pero ang bongga nung ipadala sa akin ni Salve ang article na may title na “Lolit Solis Fears No One — Not Even Death.”

Katulad nung nabanggit ko sa kanilang interview, mula nang ma-diagnose ako na may problema sa bato ilang taon na ang nakalipas, kung saan dalawang beses isang Linggo ako nagda-dialysis upang humaba ang buhay, wala na akong takot na nararamdaman.

Siyempre malungkot, pero wala akong choice, kailangan kong mag-dialysis kahit pa nga birthday ko ngayong araw.

Kaya nga paulit-ulit kong sinasabi na masaya na ako na umabot ako ng 78 years sa mundong ito.

Hindi madali pero hindi ko inasahan na magiging makulay at exciting ang buhay ko bukod pa sa siyempre hindi ko mabilang ang mga naharbat ko sa mga naging kaibigan ko na crazy rich Asians.

Kaya ang lagi kong ring dasal, sana ay mapatawad Niya ang mga nagawa kong kasalanan.

Pero sa totoo lang, may araw na mahina ang katawan ko, pero marami rin namang araw na malakas ang katawan ko at normal ang nararamdaman.

At siyempre hindi pa rin nawawala ang pagiging naughty ko.

Kaya lang kahit anong naughty ko, bumabalik sa isip ko ang mga nakasama ko noong nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz. Sila Mother Lily Monteverde, Douglas Quijano, at marami pang iba pero naging makakalimutin man ako minsan, nakaukit naman sa isip ko ang mga nagawa ni Mother Lily noong nag-uumpisa pa lang ako.

Siya ang kauna-unahang nagsama sa akin sa abroad, sa Hongkong at kung paano niya ako binibigyan ng datung. Ganundin si Douglas na talagang nagtulak sa akin para magkaroon ako ng malaking bahagi sa showbiz.

At siyempre, ang mga alaga ko na talagang kahit hindi na ako masyadong nakakapagtrabaho para ikuha sila ng raket dahil sa kalagayan ko ngayon, hindi nila ako iniiwan.

Andyan si Bong Revilla na nagpapalungkot sa akin ang kanyang hindi pagkakapanalo noong nakalipas na election.

Loyal na loyal din sa akin sina Tonton Gutierrez, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, Alfred Vargas, Paolo Contis, at marami pang iba.

Hay naku, ang dami ko pang gustong sulatin at pasalamatan ngayong araw, pero tamad na ako.

Bukas ulit ha.

At ire-remind ko lang lahat ng gustong magpadala ng regalo, tatanggap ako kahit pa nagda-dialysis ako.

Happy 78th birthday to me.

Hahahaha. ‘Yun lang at babu.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with