^

PSN Showbiz

8th Eddys awards night ng speed kasado na sa hulyo, 2025

Pilipino Star Ngayon
8th Eddys awards night ng speed kasado na sa hulyo, 2025
Ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ay gaga­napin sa Hulyo,  2025.

ASAHANG mas magiging exciting at maningning ang idaraos na 8th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong taon.

Ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ay gaga­napin sa Hulyo,  2025.

Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula, artista, at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 8th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.

Sila ang mga artista, direktor, at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon, at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.

Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Dito, bibigyang-pugay nga ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with