Alden, kinalawang sa pagsasayaw

Si Alden Richards ang magiging host ng Stars on the Floor. Ayon sa Kapuso actor ay talagang maipagmamalaki niya ang bagong programang ito ng GMA Network. Bukod sa napakagandang set ay talagang kaabang-abang umano ang mga magiging hurado ng show. “We’re calling them Dance Authority. But kung sino ‘yang mga ‘yan, ‘di ko muna pwedeng i-reveal. This is tagged as one of the biggest dance competitions and celebrity dance showdown of 2025 for GMA. This goes to show how big the show is,” nakangiting pahayag ni Alden sa 24 Oras.
Ayon pa sa binata ay talagang magkakaiba ang personalidad at istilo ng kanilang Dance Authority. “Lahat dancer, lahat palung-palo, lahat sikat. Lahat may mga kanya-kanyang forte pagdating sa pagsasayaw. So nakakatuwa lang din ‘yung dynamics and the differences between the personalities,” dagpag pa niya.
Bukod sa pagiging host ay kailangan ding pakaabangan ang bawat production number na gagawin ni Alden sa programa. Aminado ang aktor na talagang nanibago siya ngayon pagdating sa pagsasayaw. “Medyo, parang, hindi naman kinalawang nang konti, pero parang bumagal lang ‘yung pick up. But with this, hopefully, bumalik ulit. Nandito pa rin naman eh. Nandito pa rin ‘yung dancing skills natin,” pagtatapat ng Kapuso actor.
Zsa Zsa, tanggap na ang pagtibag sa Dolphy Theater
Nagbigay ng reaksyon si Zsa Zsa Padilla tungkol sa nalalapit nang pagtibag sa Dolphy Theater na matatagpuan sa lumang gusali ng ABS-CBN. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng singer dahil makahulugan sa kanya ang naiwang alaala ng nakilalang Comedy King. “It’s bittersweet, of course, what’s happening to this place because this was named after Dolphy as a tribute to him after he passed on. But ‘yung circumstances talaga hindi natin maa-avoid. Kailangan siyang i-demolish kasama ng lumang building,” paglalahad ni Zsa Zsa.
Naibenta ng Kapamilya network ang lumang gusali sa Ayala Land, Inc. Patatayuan na ng bagong gusali ng Ayala ang lugar na kinatatayuan ng Dolphy Theater. “Everything’s just symbolic. But times are changing and sometimes there are circumstances that we can’t avoid. So, I don’t have bitterness in my heart because ako palaging gano’n eh. I just have learned to keep accepting. And I think that’s the way to survive in this world, right?” giit ng singer.
Naintindihan ni Zsa Zsa ang naging desisyon ng may-ari ng ABS-CBN lalo pa’t arkitekto rin ang kasintahang si Conrad Onglao. Lubos ang pasasalamat ng Divine Diva dahil kinilala pa rin ang mga naging kontribusyon ni Dolphy sa network at sa industriyang naiwan ng aktor. “It’s really heartwarming for our family na mabigyan siya ng tribute at tawagin itong Dolphy Theater pero with the times, ako alam ko talaga mga buildings, especially being with an architect, hindi siya talaga nagla-last forever. So I understand why this is happening. I don’t feel any bitterness and we’re just moving on,” pagbabahagi ng Divine Diva. (Reports from JCC)
- Latest