Relasyon ng China at Pilipinas, may pakontes sa tiktok

Inihayag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang paglulunsad ng 1-2 Minutes TikTok Video Competition nito bilang pagdiriwang ng 50th anniversary ng diplomatic relationship ng bansang China at Pilipinas.
Sa isang press conference na ginanap sa Pandesal Forum, Kamuning Bakery Café, binigyang-diin ng bagong halal na FCCCCII President Victor Lim ang kahalagahan ng pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa, na nakikibahagi sa mahigit isang libong taon ng palitan ng kultura at ekonomiya. At ang kumpetisyon ay naglalayon na hikayatin ang mga kabataang Pilipino sa pagbibigay-diin sa mga milestone, kwento, at mga hangarin sa hinaharap ng makasaysayang relasyong ito.
Ang video ay may tema dapat na ugnayan ng Pilipinas-China – kabilang ang mga kwentong personal/komunidad, koneksyon sa kultura, o mga pananaw para sa mas matibay na bilateral na ugnayan.
Maaaring sumali rito ang Filipino citizens aged 18-35.
Tatagal ang video ng 1-2 minutes at maaaring gumamit ng Filipino dialect but must include English subtitles.
Madali lang sumali :
1. Upload the video on *TikTok* with the hashtag *#PHChina50Years* and tag *@ffcccII.official*.
2. Register and submit via the official QR code (available on FFCCCII posters).
- *Deadline:*
*May 27, 2025*.
- *Winners Announcement:*
*June 8, 2025* (ahead of the June 9 diplomatic anniversary).
*Prizes:*
- *1st Prize:* ?100,000
- *2nd Prize:* ?50,000
- *3rd Prize:* ?30,000
- *10 Consolation Prizes:* ?10,000 each
- *3 Special Citations:* ?20,000 each
Hinikayat din ng bagong namumuno sa grupo ang mga kabataang Pilipino na lumahok, na nagsasabing: “This is your chance to celebrate our shared history through creativity. Let your TikTok videos inspire unity and showcase the vibrant future of Philippines-China relations.”
Ang kumpetisyon ay umaayon sa misyon ng FFCCCII na isulong ang “sustainable at inclusive Philippine development” sa nation-building.
Ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. ay isang leading business and civic organization committed to fostering economic growth, cultural exchange, and sustainable development in the Philippines.
- Latest