^

PSN Showbiz

Pagmamahal ni Lea sa anak, kinaiinggitan

Pilipino Star Ngayon
Pagmamahal ni Lea sa anak, kinaiinggitan
Lea Salonga at Nic Chien

Puno ng motherly love ang birthday gree­tings ni Lea Salonga sa anak na si Nic Chien kaya may napa-comment tuloy ng “I wish my mom could see things the way you do, Ms. Lea. The way you embrace your son for who he is—it’s beautiful.”

Kalakip ang photo nilang mag-ina sa birthday gree­tings ni Lea sa anak. “This is the most precious human being in my little world. The one who captured my heart from the word go. The one that made me realize how insignificant my life was, until that initial piercing cry at 12:12pm on May 16, 2006.

“And now, he is turning 19. With each step into adulthood, my heart grows in ways I couldn’t have predicted. That he is, with honesty and courage, growing into who he’s meant to be makes me incredibly proud.

“Happy Birthday, my Nic!!! I love you to infinity.”

May naiyak pa nga dahil iba ‘pag minahal ka at sinuportahan ng mom mo unconditionally.

Claudine, nagpagamit sa kapatid ni Dennis?!

Inangkin na ring pamangkin ni Gene Padilla ang mga anak ni Claudine Barretto kahit hindi naman niya kamag-anak ang mga ito at hindi rin niya kamag-anak si Claudine.

Nagkita kasi sina Claudine at Gene at isinama ng aktres ang kanyang mga anak na game na nagpakuha ng picture pati si Santino Santiago na hate magpakuha ng larawan.

Napa-comment tuloy si Claudine ng “Akalain mo pumayag si Saint magpa picture. Lakas mo sa kanya kuya ha!”

Hindi sinabi ng dalawa ang rason ng kanilang pagkikita na sa napapanood sa reels, masaya silang nagkuwentuhan. May mga nagbiro kung invited ba sa dinner na ‘yun si Gene.

May mga hindi lang natuwa sa patuloy na paggamit ni Gene sa isyung “Uninvited” dahil matagal na raw ‘yun at dapat kalimutan na. Kulang daw siya sa pansin at tinawag pa siyang laos at OA. Ginamit din daw nito si Claudine na isang Barretto para sa engagement.

Kaya lang, nag-comment si Claudine ng “Love this” na sinagot ni Gene ng “I love you all!” na patunay na maganda ang kanilang samahan.

Maayos din ang sama­han nina Claudine at Dennis Padilla at “kuya” pa rin ang tawag sa kanya ng aktres.

JulieVer, hinihintay nang magpakasal!

Birthday ni Julie Anne San Jose kahapon at si­yempre, binati siya ng jowa niyang si Rayver Cruz. Hindi lang basta birthday greetings ang pinost ni Rayver, may kasama pang videos nilang dalawa.

“To the woman who stole my heart. My love Happy Happy birthday to you. Know that i will always be here for you mahal no matter what. I will always be your forever number 1 fan, super proud ako sayo my love sa lahat lahat at lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita hinding hindi ako magsasawang sabihin sayo yan everyday. Cheers to 31 love!!! May God bless you more and more!!”

Nakakatuwa na pati relatives ni Rayver, binati rin si Julie at para ngang hinihintay na lang nina Rodjun Cruz at iba nilang kapamilya na magpakasal na ang dalawa. Kailan nga kaya sila magpapakasal? (NITZ MIRALLES)

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with