Talunang kandidato, ipinagyayabang ang mga kayamanan!
Flaunting riches muli ang isang talunang kandidato. Tila ba nais ipahiwatig na kahit matalo eh mayaman pa rin siya, huh!
Sa halip na maging low-key, mas pinili niyang isapubliko ang yaman niya. Hindi naman ito nakatulong upang manalo, huh!
Talunan pa rin siya kahit anong gawin niya!
Mabuti pa ang ibang hindi nanalo sa eleksyon, mapagkumbaba pa rin silang nagpasalamat at nanatiling tahimik.
Naku, what if nanalo siya? Hay, ewan kung lumampas na siya sa cloud nine, huh!
Ruru, daig pa ang pusa!
Nabawasan na ang exaggerated acting sa Lolong: Pangil ng Maynila sa pagkamatay nina Jean Garcia at Martin del Rosario.
Nabaril na nga, nahulog pa sa balkonahe ng mansiyon nila, huh! At reaching each other’s hands ang last shot sa kanila! Parang lovers tuloy ang drama nila!
Siyempre, huwag umasa na sa kamatayan nina Jean at Martin magtatapos ang lahat. Action-fantasy ang Lolong kaya makuha lang ang pangil ng buwayang si Dakila, mabuhay ang mga ito!
Naku, hindi na kailangang i-memorize ang ganyang eksena sa Lolong nakita na namin sa previous episodes nito, huh!
Eh si Ruru Madrid bilang Lolong, daig pa ang pusa na may siyam na buhay dahil kahit isang libo ang kinakalaban niya, siya pa rin ang nagtatagumpay, huh!
Imagine that? Oh well, that’s not new anymore!
- Latest