^

PSN Showbiz

Maymay, may paalala sa pagpanaw ng ina

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maymay, may paalala sa pagpanaw ng ina

Matagal lumaban sa cancer

Nagluluksa si Maymay Entrata sa kasalukuyan.

Pumanaw na ang kanyang ina na kamakailan lang niya inaming nakikipaglaban sa sakit, cancer.

“Mahal kong Inay, Isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakrpisyo para maitaguyod kaming buong pamilya,” umpisa ng post ng Kapamilya singer / actress.

“Mamimiss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo. Sayo ko natutunan ang mag mahal ng walang kapalit at habang buhay dala dala ko lahat ng natutunan ko mula sayo. Maraming salamat sa iniwan mong kayamanan Inay, Kayamanang hindi galing sa lupa pero kayamang galing sa pagmahahal ng walang katumbas. Mahal na mahal kita Inay ko at wala akong pinagsisihan sa lahat ng sakrpisyo kong makita ka lang maging masaya lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Inay.

“Ps. Eto ang isa sa mga huli kong sinabi kay Inay bago siya pumanaw kaya hangga’t maaari, kasama n’yo pa ang mahal n’yo sa buhay.. yakapin nyo sila, iparamdam nyo kung gaano nyo sila kamahal, at huwag n’yong sayangin ang kahit isang araw na hindi ipinapakita po yon. Sapagkat darating ang araw na ang mga yakap ay alaala na lang, at ang mga salitang hindi nasabi ay magiging bigat sa puso. Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo.”

Sa huling interview namin ay inamin niyang ang pag-aalaga sa kanyang ina at lolang may sakit ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong aktibo sa career niya.

“Sa lahat ayokong mag-open up, ayoko ‘yung parang may awang... but I know it will help din para malaman n’yo kung saan ako nanggaling...

“‘Yung nanay ko matagal nang may cancer, almost two years na, kaya pabalik-balik ako sa Japan. Ngayon isa na lang sa pinakapinasasalamatan ko ay nakauwi siya two months ago. Everyday talagang nitake time ko na hangga’t maaari po ay andyan ako kasama ko siya. Kagabi lang sinugod na naman namin siya sa hospital,” hanggang hindi na napigilan ni Maymay ang kanyang pagluha.

“Well ngayon kaya sinabi ko na hindi ako ok, at hindi naman super ok andito lang ako (sa kalagitnaan). Kasi ‘yung time na hindi ako ok, nalampasan ko ‘yun sa tulong ng Panginoon. ‘Yung acceptance kumbaga at andito sa point hangga’t may oras ako na makapiling ko ang dalawang nanay ko gagawin ko. Palipat-lipat ako sa Japan... kung kailangang gawin, gagawin ko ulit ‘yun,” pahayag niya pa habang nagpupunas ng kanyang luha.

“Sobrang mahal na mahal ko sila,” pahayag niya sa interview namin.

Andami naman kagad nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa Amakabogera singer.

MAYMAY ENTRATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with