^

PSN Showbiz

Matsuri tagumpay... Japanese Pop Group, interesadong magkaroon ng career sa Pilipinas

SHOW-MY, Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matsuri tagumpay... Japanese Pop Group, interesadong magkaroon ng career sa Pilipinas

Libu-libong Cosplayer, Anime fan, gamer, car enthusiast at foodies na gustung-gusto ang lahat ng Japanese ang nagpunta sa Quirino Grandstand nitong weekend para makisawsaw sa Japanese Culture, sining at entertainment sa Matsuri sa Manila 2025.

Ang kaganapan ay inorganisa ng Otacute DAO na pinamumunuan ng COO nito at founder na si Kenzaburo Kobayashi. Ito ang kanilang vision na maging tulay sa pagitan ng mga Kulturang Hapones at Pilipino.

Lumipad din ang mga Japanese Star sa Maynila upang magtanghal sa pangunguna ni Maki Otsuki, ang boses sa likod ng theme song ng sikat na anime series na One Piece, Japane Pop Group na FairyTales kasama si Penta, Tokyo Otome Daiko, Enishi.

Tinapos ng GMA Music artist na SkyGarden ang unang gabi sa isang pasabog na pagtatanghal kung saan natuwa ang mga manonood sa kanilang hit song na Soredemo Kahit Na na OST ng GMA epic period series na Pulang Araw.

Naging performer din si James Reid noong gabi habang isinara ng Lily Band ang pagdiriwang sa kanilang masiglang pagtatanghal.

Anyway, interesado ang Japanese Pop group na Fairy Tales na magkaroon ng career sa Pilipinas in case na may mag-offer sa kanila.

Ang cutesy ng group na may almost 1 million followers sa YouTube.

First time nilang nakarating sa bansa nang mag-perform sila sa Matsuri last weekend at na-enjoy raw nila.

Naging instant favorite nila ang pagkain sa Jollibee kung saan sila kumain ng ilang beses habang nasa bansa.

Enjoy ring makinig ng mga Japanese song kahit ‘di mo naman naiintindihan.

JAPANESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with