Kaloka na merong poser si Jericho Rosales

CEBU, Philippines — At hindi iyon pinalagpas ng actor at ipinost niya ang screenshot ng poser account niya na meron nang 2 million followers.
Sa caption niya ay sinabi niyang hindi man nila ito kilala pero alam nila ang gusto nito. Meron daw silang particular set of skills na magiging bangungot sa mga taong gaya nito.
Nangako siyang hahanapin nila ito pero kung ite-take down daw nito ang fake account ay hindi na nila ito hahabulin at iyon na raw ang katapusan noon.
Sa rami nga ng followers ng poser account ay siguradong marami ang maloloko nito.
Mabuti naman at nakita iyon ni Echo dahil mahirap na nga naman kung sakaling may i-post iyon ay siguradong aakalain ng fans niya na legit iyon kahit fake account pa.
Marami na rin kasi ang nabiktima ng mga poser account lalo na ang mga celebrity kaya kailangan talagang masiguro kung legit ang account nila.
‘Kaloka.
Bong, real gentleman
Kahit malungkot ako sa naging resulta ng eleksyon sa case ni Bong Revilla naiisip ko pa rin ang rami ng mga biyaya na ibinibigay sa pamilya nila mula sa langit.
Panalo si Lani Mercado, nasa puwesto si Jolo Revilla, ganundin si Ram, mayroon silang abogadang anak at isang magdodoktor. Ano pa ang mahihiling mo sa buhay.
Isang araw lang ang election, what you do with the rest ang mas importante. Hindi natapos sa eleksiyon ang buhay ni Bong. Marami pa siyang magagawa at puwedeng gawin. Mahaharap na niya ngayon ang mga bagay na medyo napabayaan dahil sa rami ng ginagawa niya.
Now is the time para magawa na niya ang mga bagay na medyo napabayaan na niya. Basta nakita ko ang ganda ng ugali ni Bong. Walang bitterness, walang inggit, walang galit.
Tinanggap niya ang resulta nang kalmado at very positive, a real gentleman. Ito ang patunay kung anong klase ng tao siya.
I am so proud of him. It is really an honor to be his friend, and to be close to him.
Ang mahalaga hindi ang senador, o action star at artistang si Bong Revilla. Ang pinaka-importante, ‘yung tao na si Bong Revilla.
Bongga forever.
- Latest