^

PSN Showbiz

Alynna, nagsalita kung ba’t ‘di siya nakapunta sa burol ni Hajji

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alynna, nagsalita kung ba’t ‘di siya nakapunta sa burol ni Hajji
Alynna Velasquez at Hajji Aljeandro.
STAR/File

Ngayon lamang nakapagsalita ang singer na si Alynna Velasquez tungkol sa mga isyung kinasangkutan niya kaugnay sa pagpanaw ng long-time partner niyang si Hajji Aljeandro.

Sinadya siya ng mga entertainment media sa katatapos lamang na concert niyang I’m Feeling Sexy Tonight na ginanap sa Viva Café noong nakaraang Miyerkules.

Nagpasalamat siya sa lahat na sumuporta, lalo na’t sold-out ito. Pero hindi niya napigilang maiyak nang kinanta na niya ang Tag-ulan Tag-araw ni Hajji Alejandro.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw kasi talaga nagsi-sink in sa kanyang wala na ang taong minahal niya at nakasama sa loob ng 27 years.

Hindi na niya binanggit kung sino ang pumigil sa pagpunta niya sa burol ni Hajji. Pero nilinaw niyang maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga anak ni Hajji na sina Rachel at Ali Alejandro.

“Half of the family (ni Hajji), hindi talaga ako gusto,” pakli ni Alynna.

“Lalo na nung naging critical si Hajji. I think, I know why. Ayoko na lang magbanggit ngayon, but you know, people who would read you and listen to you would know… and read between the lines.

“Hindi ko naman po sila masisisi for thinking that way.

“Si Ali and Rachel kasi reached out to me. Kasi feeling nila last day… I thank them. Sabi ko, ‘thank you tinawagan n’yo ako.’

“For Ali and Rachel, God knows how much I want to thank you for reaching out to me. Kahit dati naman okay tayo. Salamat talaga, I had the chance to see your dad for the last time.

“Thank you for the respect. ‘Yung respect na ilang taon na, is there,” dagdag niyang pahayag.

Base sa mga sagot ni Alynna, magkakaideya kung sino sa pamilya ang ayaw sa kanya. Pero muli niyang kinlaro na okay sila sa mga anak ni Hajji.

“Nagulat nga ako na akala ko si Rachel na magkaroon kami ng differences

“One time she told, you know, when you were with us na, her dad said na malungkot siya nang wala ako,” sabi pa nito.

Sa mga sagot niya ay ang tingin sa kanya ng ilang miyembro ng pamilya ni Hajji ay pera lang ang habol nito.

Siya nga raw ang isinakripisyo ang singing career niya para lang sa relasyon nila ng namayapang singer.

Ngayon ay nagsisimula na siyang makabalik sa kanyang singing career dahil kailangan daw niyang magtrabaho.

Walang-wala naman daw siya ngayon. Pero nung nakapagpaalam pa raw siya kay Hajji bago ito pumanaw ay sinabi naman niyang makakabalik siya, ngayong wala na siyang maaasahan.

Nagpapasalamat siya na may nagtitiwala namang ipag-produce siya ng concert kagaya nitong ginawa niya sa Viva Café noong Miyerkules.

Ate Guy, may birthday celeb

Si RS Francisco ang nag-produce ng tribute movie kay Nora Aunor na Faney.

Noranian din kasi si RS at sobrang na-guilty raw siya dahil hindi siya nakapunta sa burol ng namayapang Superstar.

Nasa Thailand daw siya kasi nung panahong ‘yun dahil sa Holy Week.

“So nung nabalitaan ko nga na sa burol, nalibing na and all, tapos pag-uwi ko dito siyempre may guilt.

“Kaya sabi ko, ‘paano ako makakabawi? So one day, nagdadasal ako, sabi ko, ‘Lord, paano ako makakabawi kay Ate Guy?’

“Bigla na lang, out of the blue, nag-message si Direk Adolf (Alix Jr.). Sabi niya, ‘RS, meron akong gustong tribute para kay Nora Aunor.’

“Nung sinabi niyang tribute for Ate Guy, sabi ko, ‘sige, meet tayo kaagad.’ So few days after, we met.

“So nung kinuwento niya, sabi ko, ‘Direk, huwag nating patagalin ‘yan. Puwede bang gawin nating birthday gift iyan kay Ate Guy?’”

Kaya eto na nga! Sa mismong kaarawan ni Ate Guy sa Miyerkules ay ipalalabas nila sa Gateway itong Faney, bilang pa-birthday nila sa namayapang superstar at National Artist.

ALYNNA VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with