Napilitan nga lang ba sa unang tikim sa pulitika? Luis, game na ulit sa pagbalik sa trabaho!

Game na ulit si Luis Manzano sa kanyang career.
Kahapon ay tinatanong niya ang kanyang followers kung anong programa ang gusto nila para sa kanya.
“Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble, Deal or No Deal, or Minute To Win It?” na lahat ay siya ang host.
Obvious na hindi na dinamdam ng host-actor ang pagkatalo sa vice gubernatorial race sa Batangas.
Kung sabagay, hindi na kung tutuusin bago sa pulitika si Luis.
Parehong nasa public office ang kanyang mga magulang.
Ang kanyang ina na si Vilma Santos ay nagbabalik sa kapitolyo ng Batangas bilang gobernador, habang ang kanyang ama, ang actor-host na si Edu Manzano, ay dating bise alkalde ng Makati at dalawang beses na ‘di pinalad na makabalik sa panunungkulan – una sa pagka-mayor ng Makati at kongresista sa San Juan.
Nakalaban ni Luis sa kanyang unang tikim sa pulitika si incumbent Governor Hermilando Mandanas na naproklama na bilang opisyal na nanalong bise gobernador.
Nauna nang nagpasalamat si Luis sa mga tumulong sa kanya para mairaos ang kanyang kampanya.
Usap-usapan naman bago nag-umpisa ang kampanya na ayaw naman diumano talaga ni Luis na kumandidato.
Pero kinailangan daw niya iyong gawin dahil sa naitulong sa kanya noong nagkaroon ito ng kaso sa kontrobersya ng Flex Fuel Petroleum Corporation kung saan kasama siya bilang respondent sa reklamong syndicated estafa na inihain.
Pero pinatunayan ng kanyang kampo sa National Bureau of Investigation (NBI) na wala siyang kinalaman doon kaya inalis ng NBI ang aktor at television host sa mga kinasuhan noon.
At marami raw diumanong tumulong noon kay Luis na kabilang sa mga kumubinsi sa kanyang kumandidato kaya’t hindi nito natanggihan.
Pero tapos na ang laban at ginaman naman niya ang lahat, at hindi pinakain ng alikabok ng kalaban kaya siguro hindi na rin dinamdam ni Luis ang pagkatalo at iniisip na bumalik na ulit sa showbiz at ipagpatuloy ang pagho-host.
Anyway, kanya-kanyang sagot ang celebrity friends ni Luis, sa tanong niya kung alin sa mga programa niya ang bonggang balikan, pero ang misis niyang si Jessy Mendiola ay Rainbow Rumble ang bet para sa mister.
- Latest