Alex interesado rin sa pulitika, todo pasalamat sa panalo ng mister

Todo ang pasasalamat ni Alex Gonzaga sa pagkapanalo ng kanyang mister, si Mikee Morada, bilang Vice Mayor ng Lipa City.
Post ni Alex na sa totoo lang ay tinantanan na ng bashers: “Thank you Lord Jesus! Thank you po mga Lipeño!
“Nagsimula ang taon namin mag-asawa na may lungkot sa puso. Pero unti-unti, nakikita ko kung paano nakatulong ang mga Lipeño para mapawi ang lungkot at pananabik ng asawa ko sa isang bagay na matagal na naming hinahangad. Sa tuwing umuuwi siya, kitang kita ko ang genuine na tuwa sa kanyang mga mata tuwing nakakasama niya ang kanyang mga kababayan,” sabi niya na minsang umamin na open siya sa posibilidad na pasukin din ang pulitika.
Dagdag niya pa sa post: “Kaya labis-labis ang pasasalamat ko dahil nakita ng ating kababayan kung gaano mo kamahal ang bawat lipeño.
“Napakababa ng loob mo—mapagpakumbaba kang humingi ng suporta, magalang mong ipinakita ang buong puso mong dedikasyon sa serbisyo. Kaya naman, kasama ang buong pamilya, buong puso ka naming sinuportahan at sinamahan, kahit hindi ka humihingi ng tulong.
“I am so proud of you, @mikee_mo.
“Your heart is truly for public service.
“Maraming, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa aking asawa. Thank you po!
“Sorry sobra pong seryoso at drama pero wag kayo mag-aalala dahil matutuloy na ang dobleng putukan namin ni Vice Mayor!,” pagpapatawa niya sa huling bahagi ng post niya.
Nabanggit nga ni Alex sa isang interview namin sa kanya na hindi siya nagsasalita nang tapos tungkol sa posibilidad na mag-pulitika rin siya: “Hindi muna tayo magsasalita nang tapos. As of the moment, nag-e-enjoy akong sinusuportahan ko lang si Mikee,” katuwiran that time ni Alex.
Bukod sa mister, naging pulitiko rin ang kanyang ama tho ngayon parang namahinga ito sa serbisyo publiko.
Anak na lang ang kulang sa mag-asawa pero sabi nga ni Alex, hindi na sila nagpapa-pressure.
Kung kailan na lang may dumating ay hihintayin na lang nila.
- Latest