^

PSN Showbiz

New York Times, naglabas ng latepost obituary kay Ate Guy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
New York Times, naglabas ng latepost obituary kay Ate Guy
Nora Aunor

Latepost ang New York Times sa obituary sa pagpanaw ni Superstar at National Artist Nora Aunor.

Kahapon lang sila nag-share sa Facebook page nila.

“Nora Aunor, a powerful Filipina actress and singer who for nearly 60 years captivated audiences — her devoted fans were called Noranians — earning the nickname “the Superstar,” died last month. She was 71,” kalakip ang mahabang article na sinulat ni Richard Sandomir.

Sa audio story, umabot sa more than seven minutes ang nasabing article.

A month ago na since pumanaw si Ate Guy, Miyerkules Santo ng gabi pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ito.

Samantala, may hugot sa puso ang post ni Lotlot de Leon noong Mother’s Day.

Bahagi nito na sana raw ay hindi ganoon, sabay-sabay na nawala ang mga taong maha­laga sa kanilang pamilya. At sana raw ay maalis niya ang sakit na nararamdaman ng mga anak niya. Pero sabi niya kahit gaano kahirap at kasakit, alam niya at naniniwala siya  na ‘yun ang tinatawag na life. At aniya ang pinakamahalaga sa mga sandaling iyon ay ang pamilya.

Limang araw lang ang pagitan ng pagpanaw nina Pilita Corrales at Nora Aunor na parehong lola ng mga anak nila ng dating asawa niyang si Monching Gutierrez.

Ex-mother-in-law ni Lotlot si Ms. Pilita.

Sen. Robin, iniintriga sa pagkatalo ng maraming artista

Hindi naman siguro sasagot si Sen. Robin Padilla sa pang-ookray ng ibang netizens na dahil sa kanya kaya hindi nakalusot ang maraming artistang tumakbo sa pagka-senador kabilang na sina Bong Revilla, Willie Revillame and Phillip Salvador kaya alam na ang ibig sabihin.

Kung sabagay ganun naman sa social media, kanya-kanyang papansin.

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with