Fil-Am doc singer Nick Vera Perez, dream collab si martin

Nasa Pinas ngayon ang Filipino-American international singer at Doctor of Nursing na si Nick Vera Perez para sa kanyang 2025 album tour upang i-promote ang ikaapat niyang all-original OPM album na pinamagatang Parte Ng Buhay Ko na kinompos ni Adonis Tabanda.
Nakapaloob sa album ang mga awiting Biyaya, Paghilom ng Sugat, Titig, Lihim ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, at Sana’y Mapansin.
Bawat kanta ay may kwento ng pag-ibig, sakit, pag-asa, at paghilom.
Magiging abala naman si Nick sa pag-iikot sa iba’t ibang programa sa telebisyon, radyo at mga mall show.
Nauna na siyang nag-ikot sa iba’t ibang radio and digital shows.
Makakasama rin ni Nick sa tour ang kilalang Eternal Diva na si Ms. Evelyn O. Francia at ang rising singer na si Hannah Shayne.
Nakatakda rin itong bumisita sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng kanyang charity program.
Sa kabila ng kanyang hectic schedule, ‘di umano niya isasantabi ang oras na makasama ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mommy Visitacion Tan kung saan aminado ito na mama’s boy siya.
“Siya ang naging sandigan ko. Sa lahat ng hirap at pagod ko, deserve niya ang bakasyon — at sabik na akong maibigay ’yon sa kanya, pangako ko kasi sa kanya na aalagaan ko siya,” pahayag niya.
Dream naman na makatrabaho ni Nick ang nag-iisang Concert King na si Martin Nievera.
“Malaki ang influence niya sa aking music career. Dream ko talaga someday na makasama ko siya on stage. A collaboration with him would be a dream come true,” banggit niya.
Malungkot din si Nick na hindi natuloy ang nakatakda sana nilang collab ni the late Superstar Nora Aunor.
“Her legacy will live on in our hearts. It’s heartbreaking that I never got the chance to share the stage with her.”
Nakatakda ring ilunsad ni Nick ang kanyang ikalimang studio album na isang gospel collection na Unafraid.
- Latest