^

PSN Showbiz

TV rating, hanggang 10 na lang ang pinakamataas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ay anubayan ba’t ibinabalik ang isyu na sobrang na-stress ang executive producer ng It’s Showtime noong kasagsagan ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Pinag-usapan daw ang interview ng EP na gigil na gigil ang team nila noon sa sumikat na tambalan ng dalawa at hindi na raw talaga nila alam ang gagawin.

Naisip pa raw nilang ipa-kidnap si Alden noon na siguradong joke lang naman.

Grabe raw talaga ang pressure nila na nag-Araneta concert pa ang mga bigating Kapamilya loveteam na KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Kasabay raw kasi nila ‘yung pagkikita nina Alden at Yaya Dub na umiyak lang naman si Alden pero grabe na ang reaksyon ng fans.

‘Kakaloka.

‘Wag na nating ibalik ang nakaraan. Tapos na ‘yun.

Ang maganda lang dun, aminado sila na naging desperado sila sa naging tambalan nina Alden at Maine na isa na ngayong misis ng pulitiko, ni re-elected Cong. Arjo Atayde.

Kaya nga hinihintay na ring magka-jowa si Alden.

Pero ngayon, siyempre iba na ang landscape sa telebisyon.

‘Pag ang rating ng isang programa ay 10%, bongga ka na.

Samantalang noong panahon ng AlDub, halos 50% ang rating.

Wala nang ganun ngayon.

‘Yung ibang programa, kahit 2% tanggap na nila.

Ganun kalungkot ang kalagayan ng ating TV industry dahil iba na rin ang ugali ng mga mano­nood. Sa cell phone na sila nanonood at kung kailan lang nila gusto.

Malungkot mang tanggapin, pero ‘yun na ang reyalidad sa kasalukuyan. Hindi katulad noon na sinusubaybayan ang bawat palabas.

Buti na lang at babu na ang TV career ko. Hahaha. Bongga.

 

 

TELEVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with